IDEDEPESA ni Liza Del Rosario ang kampeonato laban sa matitikas na kasangga sa Philippine Team sa paglarga ng aksiyon sa women’s open ng Philippine International Open Tenpin Bowling Championships sa Coronado Lane ng Starmall sa Mandaluyong City.

DEL ROSARIO

DEL ROSARIO

Tinik sa lalamunan ni Del Rosario sina PH pool mainstays Lara Posadas-Wong at Dyan Coronacion, gayundin si 2017 World Cup champion Krizziah Tabora at female bowler of the year Alexis Sy.

“My teammates have been playing well and it’s really anybody’s ballgame, “ pahayag ni Del Rosario, multiple gold medalist sa Southeast Asian Games.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Sa kanyang huling taon sa national team bago tuluyang ikwadra ang mga bowling balls, seeded si Del Rosario sa first round ng finals ng torneo na suportado ng Pagcor, Cafe Puro, MVP Sports Foundation, Boysen Paints, Prima Pasta at Philippine Sports Commission.

“It’s totally different in the finals. The stakes and pressure are higher, the adjustments harder,” aniya.

Nangunguna si Posadas-Wong sa mga challenger sa naiskor na 1438 pinfalls kasunod si Coronacion (1421) at Tabora (1358). Nakabuntot sina Sy (1346), youth standout Bea Hernandez (1325) at Rachelle Leon (1317).

Ang mangungunang tatlong players ay uusad sa medal round sa Linggo, habang ang siyam pang bowlers, kabilang ang anim na foreign players ay maglalaban sa Sabado.

Nangunguna sa ratsada ng foreign players sina Nadia Pramanik ng Indonesia (1285), Amabel Chua ng Singapore (1263), Malaysia’s Puteri Nurul Dini (1262), Singaporean Charlene Lim (1260), Malaysian Nurul Alyssa (1241) at Indonesian Sharon Limansantoo (1227).

Bahagi ang torneo sa isinasagawang tryout bg PBF para sa National Team na isasabak sa 30th SEA Games sa Nobyembre.

Ayon kay PBF secretary general Bong Coo, ang Philippine team sa SEA Games ay binubuo ng apat na lalaki at apat na babae. Nakatakda ring sumalan ang national pools sa Singapore Open sa Hunyo 16-30 at Hong Kong Open sa Hulyo 15-20.