SA taping ng The General’s Daughter ay panay daw ang kuwento ni Arjo Atayde tungkol kay Maine Mendoza sa kanyang Nana Maricel Soriano kung gaano kabait at ka-down to earth ang dalaga at marami pang iba.

maine at arjo

Naibahagi ito ni ‘Nay Cristy Fermin sa ina ng aktor na si Sylvia Sanchez nang mag-guest ang huli sa Take It Per Minute Facebook live nitong Martes ng tanghali.

“Nagkakuwentuhan kami ni Marya (Maricel) at masaya raw lagi si Arjo kapag nagkukuwento sa kanila tungkol kay Maine. E, sabi ni Maricel, “e, hindi naman sinabing sila, pero laging si Maine ang kuwento, ano pa ba ang ibig sabihin no’n?,” masayang kuwento ni ‘Nay Cristy.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Napapangiti naman si Ibyang sa mga narinig dahil kapag nasa bahay kasi nila si Arjo ay hindi ito makuwento tungkol kay Maine at malalaman na lang na may lakad sila ng dalaga kapag hihingi ng pera ang anak sa kanya.

“Talaga, hindi kasi makuwentong tao si Arjo sa amin, mga bits and pieces lang, pero ‘yung talagang kuwento, wala. Nu’ng nagpunta sila ng Singapore, naghingi ng pera kasi mag-Universal daw sila ni Maine, ganu’n lang,” pahayag ng aktres kina ‘nay Cristy, Lolit Solis at sa guest na si Ogie Diaz sa nasabing FB live.

Inamin din ni ‘nay Cristy na hindi niya pinalalampas ang teleseryeng The General’s Daughter dahil kay Elai (Arjo) na tawang-tawa pa ang lahat dahil talagang iminumuwestra pa ni ‘nay Cristy ang pag-arte ng aktor bilang austistic.

“Grabe, galing na galing ako sa batang ‘yan, consistent siya sa ginagawa niya, hindi siya nawawala,” kuwento pa.

Matatandaang nasulat namin dito sa Balita na si Arjo ang perfect na gumanap sa karakter na may austism base sa pahayag ng Presidente ng Autism Society of the Philippines.

Sinang-ayunan din ito ni ‘nay Cristy, “oo si Arjo lang at walang iba dahil alam ko, may anak din akong may autism kaya alam ko ang tamang galaw, kilos at pananalita nila.”

Isa rin sa napag-usapan na sumikat at nakilala si Arjo dahil kay Maine Mendoza, para sa mga hindi pa nakakaalam, nakailang awards na ang aktor bago naging sila ni Maine.

At higit sa lahat, maingay na ang pangalang Joaquin Tuazon sa Ang Probinsyano bago pa sumipot sa buhay ni Arjo si Maine, that’s a fact.

Sabi pa ni ‘nay Cristy, “nagtataka nga ako sa mga anak nina Art (Atayde) at Sylvia, kung tutuusin hindi na nila kailangang mag-trabaho, magpaka-puyat, dahil may mga pera sila pero nagta-trabaho dahil gustong magkaroon ng sariling pera at higit sa lahat, passion kasi nila ang pag-arte, sumusunod sa yapak ng ina.”

Susog naman ni Ibyang, “naku ‘nay Cristy at ‘nay Lolit kung alam n’yo lang na ilang beses kinausap ng Papito (lolo sa father side) niya si Arjo na mag-negosyo na lang at matanda na si Papito at need ng maga-asikaso ng negosyo, pero wala, eh, showbiz ang gusto ng apo. Pati si Art, nakailang beses ng kinausap ang anak, hindi nabale ang desisyon.

“Katuwiran ni Arjo, puwede siyang pagsabihan, puwede siyang pangaralan pero at the end of the day, desisyon niya pa rin ang masusunod dahil nga may edad na siya, kaya walang magawa ang daddy at papito niya.”

Nabanggit na ang lahat daw ng kinikita ng aktor ay nasa pangangalaga ng Star Magic at kapag may kailangang pera si Arjo ay saka lang magsasabi.

“Dati sa akin dumidiretso ang kita niya, pero ngayon sa Star Magic na. Konti na lang ang natitirang pera sa akin ni Arjo, ito ‘yung mga nauna niyang kita na ako pa ang humahawak. Sabi ko nga, konti na lang pera niya kasi panay ang hingi. May mga investment na si Arjo sa mga naunang kita niya,” kuwento pa ng nanay ng aktor.

Anyway, nominado naman si Arjo sa 4th Eddys Awards ng SPEED sa darating na Hulyo 14 para sa kategoryang Best Supporting Actor sa pelikulang Buy Bust

-REGEE BONOAN