HINDI nagpapabaya ang Philippine National Police (PNP) para masawata ang illegal on-line sabong sa mga Off Track Betting Stations (OTBS)

MITRA: Hindi kami nagpapabaya sa GAB

MITRA: Hindi kami nagpapabaya sa GAB

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nitong Hunyo 8, pitong OTBS ang sinalakay ng PNP matapos makatanggap ng sumbong na ginagamit ang mga ito sa on-line sabong.

Sa report ng Horse Racing Betting Supervision Division kay GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, ang mga sinalakay ay ang Moysterious OTB sa Molino 4 Cavite; Project 4OTB sa Quezon City; PingPing OTB sa La Loma, Quezon City; Winford Hotel Casino & OTB sa Sta. Cruz, Manila; San Andres OTB sa Malate, Manila; Manukan OTB sa Ermita, Manila at Leveriza OTB sa Leveriza, Manila.

Ayon sa GAB report, ang mga nahuling teller ay isnailalim sa booking procedure, ngunit kaagad ding pinakawalan  matapos magpiyansa.

Pansamantalang ipinatigil ang operasyon sa nasabing mga OTB.

Talamak ang illegal online sabong o e-sabong na halos kinakain na umano ang atensyon ng mga mananaya mula sa mga legal na OTB ng karera.

Nauna nang nagpalabas ng kautusan ang Philippine National Police (PNP) Directorate For Operations ang agarang pagimbestiga at magsagawa ng pagkilos upang masawata ang umano’y illegal na e-sabong na isinasagawa ng Manila Cockers Club, gayundin sa mga Off Cockpit Betting Stations (OCBC) gamit ang Manila Jockey Club Off Track Betting Stations (OTB).

Sa kautusan ni Police Major General Mao Aplasca, PNP Director for Operation, na may petsang Mayo 27, 2019, sa PNP Director for Operation, inatasan niya ang Regional Director of Police Regional Office 4A, PNP Intelligence Unit and Criminal Investigation and Direction Group ‘to investigate, validate and take appropriate action on the matter’.

Inalabas ang kautusan batay na rin sa reklamo ni Ian O. Dela Cruz ng Muntinlupa City hingil sa aniya’y talamak na ilegal na pasugalan (e-sabong) na isinasagawa ng Manila Cockers Club, sa pamamagitan ng off-track betting station (OTB) ng Manila Jockey Club sa Carmona, Cavite.

Pansamantala namang nahinto ang mga pasabong ng MCCI.