SUMANDIG ang San Juan sa mainit na opensa ni Jhonard Clarito para maigupo ang Caloocan, 88-74, at angkinin ang North Division title Community Basketball Association (CBA)Pilipinas Founder’s Cup nitong Linggo sa San Juan gym.

CBA FAMILY! Masayang nag-photo op ang mga opisyal, miyembro at sporstacasters, sa pangunguna ni CBA founder actor-director Carlo Maceda (dulong kaliwa, nakatayo) matapos ang championship duel ng San Juan at Caloocan sa North Division ng Pilipinas Founders Cup.

CBA FAMILY! Masayang nag-photo op ang mga opisyal, miyembro at sporstacasters, sa pangunguna ni CBA founder actor-director Carlo Maceda (dulong kaliwa, nakatayo) matapos ang championship duel ng San Juan at Caloocan sa North Division ng Pilipinas Founders Cup.

Kipkip ang suporta ng home crowd, hataw si Clarito sa naiskor na 20 puntos mula sa 7-of-12 shooting at humugot ng 12 rebounds para maiangat ang Randy Alcantara-mentored Knights sa CBA overall championship kontra sa South Division titlist General Trias sa torneo na inorganisa ni actor-director Carlo Maceda, sa pagtataguyod ng Globe Telecoms, Spalding at Arceegee Sports Wear.

Nag-ambag si Christian Buñag ng 14 puntos at siyam na rebounds, habang kumana si Noah Lugo ng 12 puntos para sa Knights.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Dikit ang laban at nagsara ang halftime na abante ang San Juan sa manipis na 43-39 bentahe.

Sa third period, nagsimulang kumawala ang Knights at naibaba ang 22-13 run para maselyuhan ang panalo.

Nanguna sa St.Clared-backed Caloocan sina Clarence Tiquia na may 12 puntos at Ervin Palencia na may 11 puntos, habang umiskor si Junjie Hallare ng 10. Nalimitahan naman si CBA “Best Player of the Month” awardee Darwin Lunor sa isang baskets.

Nitong Sabado, ginapi ng GeneralTrias ang Bagong Parañaque, 90-83, para makopo ang CBA South crown sa General Trias Sports Complex sa Cavite.

Iskor:

San Juan (88) -- Clarito 20, Buñag 14, Lugo 12, Saret 10, Bonifacio 10, Reyes 8, Marquez 8, Aguirre 4, Garcia 2, Rosopa 0, Acol 0, Astrero 0, Ubalde 0.

Caloocan (74)--Tiquia 12, Palencia 11, Hallare 10, Decano 6, Peñaredondo 6, Santos 6, Fontanilla 5, Rivera 4, Sombero 4, Fuentes 4, Lunor 2, Principe 2, Manacho 2.

Quarterscores: 21-18, 43-39, 65-52, 88-74.