MULING naglabas ng official statement ang GMA Network tungkol sa medical team issue na may kinalaman sa nangyaring aksidente sa veteran actor na si Eddie Garcia.

Eddie

“It has been the Network’s practice to have medical personnel and ambulance crew on standby whenever the production is executing big action scenes during taping. This has been likewise the practice of other GMA programs. Given this, we are currently investigating the absence of a medical team on the set last Saturday, June 8.

“GMA Network is deeply saddened with what happened to Mr. Eddie Garcia and the management is committed to getting to the bottom of this unfortunate incident.”

Tsika at Intriga

'DJ,' nabanggit ni Kathryn Bernardo sa Family Feud

Sa ngayon, naka-confine pa rin sa ICU si Eddie na dahil sa edad, hindi na puwedeng operahan ang fractured neck.

Pero sa halip na magsisihan, ipagdasal na lang nating lahat na gumaling si Eddie at malampasan niya ang nangyari sa kanya. Walang may gusto sa nangyari, aksidente ang nangyari at tama ang sabi ng marami na wake up call ito sa lahat ng TV networks at film company na maging extra careful kapag may kukunang matitinding action scenes.

Dapat may medical team sa set at ambulance para kung may mangyari man ay maaksyunan agad nang tama. Dapat din sa susunod, hindi na pumayag ang mga direktor na walang double ang mga artista na gagawa ng action scenes, lalo na ang mga may edad na. Si Eddie kasi, sa sobrang professional, ayaw magpa-double sa mga eksena niya sa mga proyektong ginagawa, kabilang ang Rosang Agimat.

-NITZ MIRALLES