Sa pagkadismaya sa pagkaantala ng mga biyahe at iba pang problema sa Ninoy Aquino International Airport's (NAIA), pinag-iisipan ni Pangulong Duterte na balasahin ang airport officials gayundin ang paglilipat ng domestic flights sa Sangley airport sa Cavite upang maibsan masikip na paliparan.
Ipinahayag din ng Pangulo ang pagnanais na isang samahan, militar o pulis, na pamahalaan ang seguridad sa pangunahing paliparan ng bansa sa Cabinet meeting, nitong Lunes.
"He shared to the Cabinet Secretaries what he found out in his surprise visit at the NAIA. He expressed dismay and hinted at its revamp," sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.
Upang maibsan ang sikip sa NAIA, nagbigay din ng signal ang Pangulo na ilipat ang general aviation o domestic flights sa Sangley Airbase, ayon kay Panelo.
"The President directed the operations in Sangley Point to start immediately," aniya.
"On security concerns, President Duterte prefers that airport security be handled by a single entity, either from the military or civilian force," dagdag niya.
-GENALYN D. KABILING at BETH CAMIA