Kumpiyansa si Senator Antonio Trillanes IV na madidiskubre rin ng taumbayan ang P2.4 bilyong kinita umano ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkuha umano nito ng ‘ghost employees’ noong alkalde pa ito ng Davao City.

GHOST EMPLOYEES (22)

Ayon sa senador, umaasa siyang gugulong pa rin ang isinampa niyang plunder laban sa pangulo kaugnay ng naturang usapin.

Bukod pa aniya ito sa mga nauna na niyanng ibinunyag na bank transactions na kinakasangkutan ng punong ehekutibo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kaugnay nito, muli na naman niyang hinamon ang pangulo na lagdaan na lamang nito ang bank waiver para malaman ang katotohanan, katulad aniya ng ginawa nita nang siya ay akusahan na may mga offshore account.

Kahapon, sinagot ni Trillanes ang mga alegasyon ni Peter Joemel Advincula, alyas “Bikoy” na dawit ito sa pagpapabagsak sa pamahalaan.

Inilantad ni Trillanes ang mga bidyo at text messages ni Advincula kung saan lumabas na namimilit sa isang pari para kunin ang kanyang mga testimonya.

Katwiran ni Trillanes, inilbas niya ito upang pabulaanan ang alegasyong mga taga-oposisyon ang nasa likod ni Advincula.

-Leonel M. Abasola