SUPORTADO ng Philippine National Police ang pagsikad ng ikasampung taon ng Le Tour de Filipinas na magaganap ngayong Hunyo 14 hanggang 18 na magsisimula sa Tagaytay patungong Batangas, Lucena, Legazpi albay hanggang Daet Camarines Norte.

Ayon kay Le Tour de Filipinas Chairperson na si Donna Lina, siniguro na sa kanila ng PNP ang kanilang pag-ayuda sa nasabing karera na may limang stages at tampok ang UCI Category 2.2 events.

“The Philippine National Police have already assured their support on this event. Ganun din po, we have already checked all the roads na dadaanan and we also have coordinated na po with our local government units,” pahayag ni Lina.

Tampok sa limang stages ang 129.50-km bilang Stage 1 kung saan lilipat naman sa Lucena City para sa Stage 2 sa Hunyo 15 194.90kms buhat sa Pagbilao patungo sa Daet Camarines Norte.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Ang ikatlong stage naman na magaganap sa Hunyo 16 ay may 183.70kms mula Daet hanggang Legazpi City at nag stage 4 naman ay may 176.00kms mula Legazpi papuntang Sorsogon at Gubat pabalik sa Albay City at magtatapos sa Donsol Sorsogon sa pinakamahirap na 145.80kms leg bilang Stage 5.

“The Le Tour de Filipinas continues its advocacy inpromoting international peace, goodwill, health, tourism and environment,” ayon pa kay Lina .

“It’s the 10th year and like in the previous editions, the riders will face challenges the elements offer, thus squeezing out the best of the best in this sports spectacle on two wheels,” pahayag pa ni Lina.

-Annie Abad