Sunod-sunod ang talo ni Jomary “The Zamboanginian Fighter” Torres pero hindi pa rin siya pinanghihinaan ng loob at mas determinado pa siya ngayon.

Magkakaroon ng pagkakataon si Torres na makabawi sa mga pagkatalo niya sa laban niya sa dangerous Malaysian sensation na si Jihin “Shadow Cat” Radzuan sa isang three-round atomweight affair sa ONE: MASTERS OF DESTINY na gaganapin sa Axiata Arena sa Kuala, Lumpur, Malaysia sa Hulyo 12.

“I am determined to be even better in martial arts and that’s why I make sure to work on the things that could help me,” sabi ni Torres.

“I know I’ve been losing but this won’t stop my dedication and belief in myself.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Matapos matalo sa pangatlong pagkakataon sa isang laban kay Lin “Fighting Sister” Heqin sa ONE: REIGN OF VALOR ay nanindigan si Torres na kailangan nang matigil ang sunod sunod niyang talo.

Sumali siya sa kanyang head cocach na si Rene Catalan sa Indonesia upang makapag-focus at ensayo pa kaya naman ay kampante na si Torres na magiging maganda ang kalalabasan ng laban niya.

“I am so grateful that I was given another chance to fight. I had many mistakes in my last fight and I want to bounce back and improve my game more,” sabi ni Torres.

“I’ve made a lot of adjustments and I’ve prepared well. I am excited to show my improvements in Malaysia.”

“I know that she’s a strong fighter and that she’s hungry for a win but I will do everything so I can keep up with whatever she’ll throw in our fight,” sabi Torres.

Si Radzuan ay kasalukuyang mayroong 4-1 at gusto ring manalo lalo na’t natalo siya ni Gina Iniong ng Team Lakay sa ONE: CLASH OF LEGENDS noong Pebrero.

“I am working triple time during training sessions and I feel like I am a much better fighter today, I am much more confident in my game.”