TINANGHAL na South Division champion ang General Trias sa 1st Community Basketball Association (CBA) Pilipinas Founder’s Cup basketball tournament.

TINANGGAP ni Darwin Lunor (kaliwa) ng Caloocan-St. Clare College ang cash prize kay CBA founder actor-director Carlo Maceda matapos tanghaling ‘Player of the Month’ sa simpleng seremonya sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros.

TINANGGAP ni Darwin Lunor (kaliwa) ng Caloocan-St. Clare College ang cash prize kay CBA founder actor-director Carlo Maceda matapos tanghaling ‘Player of the Month’ sa simpleng seremonya sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros.

Hataw ang Braves sa kabuuan ng laro para pataubin ang Bagong Parañaque, 90-83, nitong Linggo sa harap ng nagbubunying home crowd sa General Trias Sports Complex sa Cavite.

Nanguna si Chester Ian Melencio sa Braves sa naiskor na 24 puntos mula sa 9-of-16 shooting, habang humugot ng walong rebounds, pitong assists at apat na steals sa torneo na inorganisa ni actor-director Carlo Maceda, sa pagtataguyod ng Globe Telecoms, Spalding at Arceegee Sports Wear.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Naibaba ng Braves ang 13-0 run, tampok ang siyam na puntos ni Melencio para agawin ang bentahe sa 75-70 matapos maghabol saw along puntos na kalamangan ng karibal may 5:17 ang nalalabi sa laro.

Nag-ambag si Ernesto Bondoc ng 17 puntos, limang rebounds at apat na assists, habang kumana si Marlito Escobal ng 13 puntos sa Braves.

Haharapin nila ang magwawagi sa North final sa pagitan ng San Juan at Caloocan-St. Clare para sa CBA championship.

Kumubra si Dwight Saguiguit  ng 22 puntos para sa Bagong Parañaque, kasunod sina Dhon Revirente na may 15 puntos at siyam na rebounds at kumana si Felix Apreku ng 11 puntos at 10 rebounds.

Samantala, itinanghal na CBA ‘Player of the Month’ si Darwin Lunor ng Caloocan-St. Clare College sa isinagawang awards ceremony nitong Hunyo 6 sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros.

Iskor:

General Trias Braves (90) – Melencio 24, Bondoc 17, Escobal 13, Rivera 7, Evangelista 5, Prudente 5, Porto 2, Tajonera 2, Laureno 0, Delos Santos 0.

Bagong Parañaque (83) – Saguiguit 22, Revirente 15, Apreku 11, Almajeda 10, Castro 8, Mangalino 5, Begaso 4, Dela Cruz 4, Rabe 2, Lucente 2.

Quarterscores: 19-19, 39-40, 62-65, 90-83