“MARIA Kendra Melendez” ang pangalan ngayon ni Aiko Melendez sa kanyang Facebook account, dahil “Kendra” raw ang pangalan niya sa bago niyang teleseryeng Prima Donnas sa GMA 7, na eere na sa Hulyo.

Dating Emilia ang pangalan ni Aiko, ang hindi malilimutang karakter niya sa seryeng Wildflower (2017), na pinagbidahan ni Maja Salvador sa ABS-CBN, mula sa RSB Unit.

Dumating na bansa si Aiko nitong Biyernes, kasama ang mga anak niyang sina Andrei Yllana at Marthena Jickain, gayundin ang mommy niyang si Ms Elsie Castañeda, at ang boyfriend niyang si Zambales Vice Governor-elect Jay Khonghun.

Back to work na ang aktres para sa bago niyang serye sa GMA, kahit may jetlag pa siya.

Events

Listahan ng mga nagwagi sa 2024 MMFF Gabi ng Parangal

“Need na mag-work, Ate Reg,” mensahe ni Aiko nang kumustahin namin siya.

Siyempre kinumusta namin ang bonding moment nila ng boyfriend niyang sumunod pa sa Las Vegas, Nevada para makasama sila pagkatapos nabalitang may tampuhan sila.

“Okay naman, walang unusual, pasyal-pasyal,” saad ng aktres.

Base sa mga larawang ibinahagi ni Aiko sa kanyang social media accounts, habang kasama si VG Jay ay wala silang ginawa kundi kumain at mamasyal, kasama sina Andrei, Marthena, Mommy Elsie, at ang kapatid ng aktres at ilang kaibigan.

At ngayong nasa ‘Pinas na sina Aiko at VG Jay ay pareho na silang busy, dahil kung balik-taping na ang aktres, pinaghahandaan naman ng outgoing Subic Mayor ang bago niyang opisina sa Hulyo 1.

“Text mates kami now, hindi kami nag-uusap kasi busy kami pareho,” sabi ni Aiko.

Naaliw naman kami sa tsikang ito ng aktres, dahil siya pala ang tipo ng girlfriend na hindi makulit o matanong sa karelasyon.

Parang iba kasi ang imaheng alam ng publiko kay Aiko, dahil nga madaldal siya, palaban at talagang walang inuurungan, pero pagdating pala sa relasyon ay baligtad.

“Ha, ha, ha, hindi kasi ako madudang tao. Hindi ako selosa hangga’t wala akong nakikitang kakaibang kilos. Hindi kasi ako matanong, eh. Kapag sinabi niya (VG Jay) rest siya, I let him be. ‘Pag sinabing office, okay, naniniwala ako,” paliwanag ni Aiko.

Ganu’n daw talaga siya maski sa ibang naging karelasyon niya.

Samantala, tinanong naming siya kung para saan ang post ni VG Jay na, “’REAL’ isn’t who’s with you at your celebration… ’REAL’ is who’s standing next to you at rock bottom.”

“Kasi nu’ng natsismis siya tungkol sa drugs, marami siyang kaibigang lumayo,” kaswal na sagot ni Aiko.

Sa madaling salita, ang mga kaibigang lumayo ay hindi tunay na nakakakilala kay VG Jay at naniwala sila sa tsismis.

At si Aiko ang nananatiling nanindigan at lumaban para kay VG Jay mula simula ng kampanya hanggang sa manalo ito.

Nakakatawa, dahil may nabasa kaming post sa social media na nanalo ang bagong bise gobernador ng Zambales hindi dahil kay Aiko.

Hello, halos mukha nga ni Aiko ang nakikitang lumilibot sa buong Zambales! Feeling nga namin, siya ang kumakandidato, eh.

At may mga nagsasabing sa susunod na eleksiyon ay dapat na tumakbo na rin si Aiko sa probinsiya.

Hiningan namin ng reaksiyon si Aiko tungkol sa sinabing hindi siya ang nagpanalo sa kanyang boyfriend.

“Sana ma-realize niya (Jay), nandu’n ako nu’ng wala siya at meron siya. So, ibig sabihin manalo o matalo siya, nandu’n ako. Nu’ng nasangkot siya sa drugs, lahat ng kaibigan niya umiwas sa kanya, ako nand’yan sa kanya.”

Mukhang alam naman ni VG Jay talaga kung sino ang mga nasa tabi niya, kaya siguro siya may post kung sino ang mga taong tunay niyang kaibigan at nagmamahal sa kanya.

-Reggee Bonoan