IBINAHAGI ng Filipino designer na si Mak Tumang kung bakit pinili niya ang Waling-waling bilang inspirasyon sa farewell gown na isinuot ni Catriona Gray sa Binibining Pilipinas 2019 coronation night nitong Linggo.

WALING-WALING GOWN

Sa isang Facebook post, ipinaliwanag ni Mak kung paanong ang Waling-waling, na tinaguriang “Queen of Philippine Flowers”, ang perpektong representation kay Catriona, na tinawag naman niyang “Queen of the Filipinos’ hearts.”

“The Waling-waling is a paragon of unmitigated beauty. Many regard it as the rarest, most beautiful and the most expensive among all the flora our country has,” sabi ni Mak.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“She is absolutely a queen of beauty and substance,” pagtutuloy niya.

Dagdag pa ng tinitingalang designer, ang Waling-waling, gaya ni Catriona, “continues to be on treetops and aspires for greater heights.”

Aniya pa, kahit na tapos na ang reign ni Catriona bilang Miss Universe Philippines, alam niya na “(she would) incessantly reach and touch the bright sun, making her justly symbolic of the Filipino’s unceasing hope and tenacity.”

Nakilala si Mak dahil sa kanyang Filipino-inspired creations. Siya ang designer ng mga tanyag na Miss Universe gowns ni Catriona— ang “lava gown” at Ibong Adarna-inspired gown.

Siya rin ang nagdisenyo ng homecoming garments ni Catriona na nag-viral sa social media.

-Noreen Jazul