NASA “deep sleep” pa rin si Eddie Garcia, as of Sunday night, pahayag ng kaibigan ng aktor, ang direktor na si Bibeth Orteza, nang kapanayamin ng Unang Balita kahapon.

Eddie

“Well, noong dinalaw ko siya kahapon, he was still in deep sleep and nilalagyan siya ng traction para mabawasan ‘yung pressure. He was in deep sleep kahapon so hindi siya nakakausap,” sabi ng direktor.

Sa pahayag na inisyu ng pamilya ni Eddie nitong Sabado nang mag-collapse sa trabaho at maospital, sinabi ni Bibeth na ang aktor ay nasa “critical condition due to cervical fracture.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang neck fracture o cervical fracture “is a break in one or more of the seven cervical bones. The cervical bones, also called, vertebrae are the bones that make up the spine in the neck. They protect the spinal cord, support the neck and allow for movement,” ayon sa University of Virginia Health System.

Nang tanungin kung comatose o in a state of deep unconsciousness ang 90 taong gulang na aktor, sinabi ni Bibeth na “she can’t make that medical statement”.

“Kasi as far as I saw kahapon, he seems just really asleep. Parang I’m not in the condition to make that call whether comatose o hindi,” paliwanag niya.

Matatadaan na nang pumutok ang balita tungkol sa pagkakaospital ni Eddie nitong Sabado, nag-isyu ang kanyang pamilya na dumanas umano ito ng “severe heart attack.” Marami naman ang nagsabing maaaring na-“comatose” ang aktor ngunit na-“revived.”

Ayo pa kay Bibeth, natapilok umano si Eddie sa cable wire kaya ito nadapa. Ito rin ang ‘tila napanood sa video na kumalat sa online ngunit pinag-aaralan pa rin ng GMA Network, producer ng serye ni Eddie, ang footage.

“Palagay ko kaya naman nasabi ng crew ‘yun (heart attack) sapagkat ang ordinaryong tao, isang layman, ‘pag may isang may edad natumba usually ang feeling mo at ang alam mo heart attack ‘yun ‘di ba? I mean, ‘di ka naman p’wedeng layman tapos may nakita kang matanda na pinasok sa ospital tapos sasabihin mo cervical fracture, (kaya) ang sinabi nila heart attack,” sabi niya.

Dagdag pa niya, ipinahayag ng doktor na nagsuri kay Eddie, based on the cursory physical examination na, “It also looks like a heart attack.”

Ang lahat ng pamilya at malalapit na kaibigan ni Eddie ay nasa ospital – kabilang ang long-time partner niyang si Lilibeth Romero, anak at step-son, at kapatid ng aktor.

Tinalakay ng aktor na si Phillip Salvador ang kondisyon ng beteranong aktor sa Instagram video na ibinahagi rin ni Robin Padilla sa sariling account.

“Nabalitaan na inatake si EG, si Eddie Garcia,” sabi ni Phillip. “Du’n po sa lahat ng mga fans niya, sa mga followers niya, hindi po siya inatake.”

Aniya pa: “Mahusay po at matibay ang puso ni Eddie Garcia. Nadisgrasya po siya, naaksidente po siya, sumabit po ang paa niya sa kable. Siya po ay 90-years-old so hindi po siya naka-balanse. Bumagsak po siya at hindi po maganda ang kanyang pagbagsak.”

-Stephanie Marie Bernardino