MAS maraming talento mula sa Bicolandia ang inaasahang mapapansin at mabibigyan ng pagkakataon sa paglarga ng Community Basketball Association (CBA)-Bicol sa susunod na buwan.
Ilan sa mga prominenteng pangalan sa pro league na nagmula sa Bicol sina two-time PBA MVP William “Bogs” Adornado at Elpidio “Bicolano Superman” Villamin.
Sa pagkakataong ito, umaasa ang CBA na maraming kabataan na nagnanais na masundan ang yapak ng mga sikat na cage players ang mabibigyan ng pagkakataon na matupa dang kanilang mga pangarap.
“This is what the CBA-Bicol hopes to achieve with our inaugural tournament set to begin this month,” pahayag ni CBA-Bicol Governor Edper Brojan sa kanyang pagbisita sa “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) nitong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros.
“We have produced a lot of good players from Bicol. Bogs Adornado is from Legazpi City. Yoyoy Villamin is from Camarines Norte, Dante Gonzalgo and Chris Cantonjos are from Sorsogon and Gil Lumberio is from Naga. Ato Morano and Homer Se also come from Albay,” sambit ni Brojan.
“Siguradong madami pang magagaling na players ang makikita natin thru CBA-Bicol.”
Ikinalugod naman ni Metro Naga Water District general manager Engr. Virgilio Luansing ang pagkakabuo ng CBA-Bicol na aniya’y makatutulong para maipakita ng lalawigan hindi lamang sa sporsts at basketball bagkus ang mapalakas ang
turismo sa rehiyon.
“Sa sports, madali magkaisa. Gaya sa team namin na kasali dito sa CBA, tulong-tulong kami. Madami may puso sa sports. Madaming kaibigan na handang tumulong, ” pahayag ni Luansing sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association (CBA) at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.
Kabilang ang koponan ni Luansing – ang MNWD Water Borne – sa anim na koponan na sasabak sa CBA-Bicol tampok ang mga homegrown players.
“We already have six teams -- two in Naga, two in Albay (Legazpi City and Tabaco City) and one from Masbate and one from Sorsogon,” aniya.
“This is actually a test tournament for us. We expect that more teams will join us in the next conference. Kapag nakita na ng iba na talagang maganda yun tournaments, madami pa ang sasali. Ganun naman talaga sa probinsya.” “Maganda yun concept ng CBA na regional. Bicol muna tapos yun mag-champion lalaban sa ibang regional champions,’ pahayag ni Luansing.
Kabilang sa napiling venue sa torneo ang 7,000-seater Jesse Robredo Coliseum sa Naga, gayundin ang dalawang coliseum sa Legazpi at ang 2,000-seater Masbate gym.
Nakiisa kina Brojan at Luansing sina CBA-Malabon team owner Rinbert Galarde, CBA “Best Player of the Month” awardee Darwin Lunar ng Caloocan-St.Clare College at top Bicol players Andrei Lano at Ernest Magalona.
“After the Open tournament, we will have this 18-under tournament for all 16 member-teams. Dito bibigyan natin ng pagkakataon yun mga batang players na makapaglaro naman sa isang competitive na liga,” sambit ni Galarde, manager din ng Arceegee Sports Wear.
-Edwin Rollon