Ni Dennis Principe

SASABAK sa kaniyang ikalawang televised bout si ifugao prospect Carl Jammes Martin Linggo ng tanghali sa TV Studios, Novaliches, Quezon City.

Makakalaban ng 20-year-old na si Martin ang Thai na si Yuttichai Wannawong sa isang 10-round non-tilte bout na main event ng Sanman Promotions event.

PUMORMA sina undefeated Pinoy ‘Wonder Boy’ Carl Jammes Martin (kanan) at karibal na siThai Yuttichai Wannawong matapos ang weigh-in para sa kanilang duwelo ngayon gabi sa TV5 Studio.
PUMORMA sina undefeated Pinoy ‘Wonder Boy’ Carl Jammes Martin (kanan) at karibal na siThai Yuttichai Wannawong matapos ang weigh-in para sa kanilang duwelo ngayon gabi sa TV5 Studio.

Biathlon Olympian, binuking panloloko niya sa jowa niya sa post-game interview

Tinaguriang ‘Wonder Boy’ ng Ifugao, tangan ni Martin ang perfect 12-0 record, 11 dito natapos via knockout.

Nitong February 16 sa SM Sydome, huling lumaban si Martin kung saan pinatulog niya sa 3rd round ang isa pang Thai na si Petchorhae Kokietgym na nagsilbi naman na Manila ring debut ng Ifugao boxer.

“Marami po ako nakita na mali sa laban na ‘yun at gusto ko na maitama dito sa darating ko na laban,” pahayag ni Martin.

Nakalasap man ng walong talo si Wannawong sa kaniyang 17–fight pro career, hindi pa rin matatawaran ang lakas ng Bangkok-born boxer na naka-iskor ng walong knockouts sa siyam na panalo.

“Hindi puwedeng maliitin yung Thai at dapat ko isipin na naghahanda siya para talunin ako kaya ganoon na rin lang ang paghahanda na ginawa ko sa gym,” dagdag ni Martin.

Magbabalik-aksiyon din sa nasabing card si former world lightflyweight champion Randy Petalcorin kaharap si Worawatchai Boonjan ng Thailand.

Kasama rin ang dalawa pang unbeaten flyweight prospects na sina Dave Apolinario at Jayson Mama na makakasagupa ang dalawang tigasin na challengers.

Magsisimula ang mga laban alas-12 ng tanghali at mapapanood ang buong card ng live sa ESPN5 at Youtube live streaming.