Dismayado ang Commission on Audit (CoA) sa mga opisyal ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) dahil sa pagiging ‘slow spending’ at paglabag pa sa batas kaugnay ng kanilang drug procurement activities.

VMMC (3)

Sa 2018 annual audit report, natuklasan ng CoA ang hindi pagsunod ng mga opisyal ng VMMC sa Government Procurement Act kaugnay ng pagbili ng mga gamot na nagresulta sa pagkaantala ng delivery nito.

Bukod dito, nadiskubre rin ng CoA ang “low spending capacity” ng ospital na resulta ng hindi paggamit ng Notice of Cash Allocation na aabot sa P166.45 milyon at ang pagkakaantala ng implementasyon ng infrastructure projects, gayundin ang pagbili ng makinarya  at computer equipment.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa rekord ng ahensiya, aabot lamang sa 9.47 porsiyento ang spending capacity ng VMMC bunsod na rin ng delayed  procurement activitives.

“Procurement of four (4) line items of drugs and medicines for CY 2018 exceeded the unit cost set forth by the Philippine Drug Price Reference Index (DPRI) 2016, 4th edition from a low P0.42 to a high P1,977.80 while nine items were not included in the DPRI,” ayon sa report ng COA.

Ayon sa CoA, nasa mandato ng naturang pagamutan na pagsilbihan nang maayos ang mga Filipino veteran at dependents ng mga ito, sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga gamot at diagnostice services.

” This mandate relies strongly on the VMMC’s procurement process of drugs and medicines that are needed by veteran patients and their dependents,” sabi ng CoA.

Natuklasan din ng CoA sa procurement records ng ospital na bumili ang mga ito ng iba’t ibang gamot sa huling bahagi ng 2017 ngunit umabot pa ng 58 araw bago maglathala ng invitation of bid at bago pa buksan ang sealed bids.

Sinabi pa ng CoA na isa itong paglabag sa Republic Act 9184 (Government Procurement Act).

Sinabihan din ng CoA ang VMMC na sumunod sa Philippine Drug Price Reference Index sa pagbili nila ng mga gamot ng kanilang mga pasyente.

“It aims to improve the efficiency and good governance in the pricing and procurement of medicines in the public sector through establishing a transparent and publicly available reference price for affordable and quality medicines,” sabi pa ng CoA.

-Ben R. Rosario