TULUY-TULOY ang pagpapalakas ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa regional cinema sa pamamagitan ng developmental programs, at isa na rito ang kauna-unahang Southern Voices Film Lab (SOVOLAB), na naglalayong paunlarin at linangin ang feature film projects na mula sa Mindanaoan filmmakers.

Pitong projects na nasa script development stage mula sa first, second, at third-time filmmakers mula sa Mindanao ang napili para sa SOVOLAB, kabilang na rito ang Diwalwal ni Jarell Serencio, Mga Yawa sa Paraiso ni Joe Bacus, The Widow”ni Ryanne Murcia, Virgins of the River ni Julienne Joy Ilagan, Cangrejos ni Zurich Chan, Misery Mountain ni Orvil Bantayan, at Dancing the Tide ni Xeph Suarez. Ang projects na ito ay sasailalim sa first leg ng lab mula Hunyo 7 hanggang 9, 2019 sa Tagum City, Davao del Norte.

Kasama sa unang leg ang international mentors na sina Raymond Phathanavirangoon, ang Executive Director ng Southeast Asia Fiction Film Lab (SEAFIC) para sa producing, at Maggie Lee, ang Chief Asia Film Critic ng Variety para sa script development, pati na rin sina Bianca Balbuena, isang award-winning producer para sa creative producing, at ang Mindanaoan filmmaker na si Sheron Dayoc.

Inihayag ni FDCP Chairperson and CEO Mary Liza Diño ang excitement niyang makilala ang bagong regional filmmakers at matulungang maisabuhay sa big screen ang marami pang kakaibang kuwento mula sa Mindanao.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

“As we celebrate the Sandaan, this is the perfect time to bring a film lab to the regions to let filmmakers from the South express their stories through films. We are looking forward to discovering more fresh voices from the regions through SOVOLAB.”

Sa labs, gagabayan ang napiling filmmakers at producers ng international at local mentors at consultants sa loob ng walong buwan para mas pagandahin ang kanilang mga kuwento at para matutunan nila ang key industry practices na makatutulong sa kanila sa produksyon ng kanilang mga pelikula. Sa final session, magpapakita ang participants ng isang 7-minute pitch ng kanilang project sa jury. Dalawang projects ang mag-uuwi ng SOVOLAB co-production grant na nagkakahalaga ng isang milyong piso.

-Mercy Lejarde