Pinawi ni Health Secretary Francisco Duque III ang pangamba ng publiko kaugnay ng paggamit ng ilang kumpanya ng synthetic acetic acid sa paggawa ng suka.

SUKA (22)

Sabi ni Duque, hindi ‘safety issue’, kundi paglabag ito sa polisiya ng ‘mislabeling.’

Inilabas ni Duque ang pahayag kasunod nang pagkakabunyag na ilang produktong suka na ipinagbibili sa merkado ay may sangkap na synthetic acetic acid.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Ligtas naman aniya at hindi masama sa kalusugan ang mga ‘synthetic vinegar’ o yaong sukang ginamitan ng ‘synthetic acetic acid’ kaya’t wala aniya itong safety issue.

Aniya pa, hindi ito naaayon sa standard na napag-usapan ng industriya at ng regulating agency na Food and Drugs Administration (FDA) na dapat nilang sundin, kaya’t dapat lamang na harapin ng mga naturang kumpanya ang naturang paglabag.

-Mary Ann Santiago