BAGAMA’T maaga pa, may ilan ng chess fans ang nagsasabing ang young chess wizards na si Oshrie Jhames Reyes ang susunod sa yapak ni Eugene Torre.

TODO suporta ang mga magulang ng batang chess wiz na si Oshrie Jhames Reyes.

TODO suporta ang mga magulang ng batang chess wiz na si Oshrie Jhames
Reyes.

Sa edad na 7-anyos, nangingibabaw na ang pambato ng Dila-Dila, Santa Rita, Pampanga sa malalaking torneo tulad ng Central Zone Athletic Academic Meet ( CZAAM ) at INC Unity Games 2019, Inter locals & District. Ang iba pa niyang achievements ay 2nd place sa 1st kiddies tournament ng Golden Moves Chess Club, 4th place sa National Age Group Grand Finals at 5th place sa National Youth &School Championship Luzon leg.

Ang Grade 3 pupil ng GNC Montessori sa Guagua, Pampanga ay makikipag-tagisan ng talino sa 20th Asean Age Group Chess Championships 2019 sa Hunyo 9-19 sa Golden Mandalay Hotel at Hotel Hazel sa Mandalay City, Myanmar.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Kung papalaring manalo si Reyes, maiuuwi niya ang karangalan na elusive “Candidate Master title”.

“I hope to do well in the upcoming 20th Asean Age Group Chess Championships 2019 in Mandalay City, Myanmar, “ pahayag ni Reyes na nahasa ang kanyang chess skills sa gabay ng kanyang mga coaches na sina International Master Barlo Nadera, Levis Miranda, Juan Rojano Jr. at Abel Dimalanta.

Mismong ang pamosong chess organizer na si Genghis Katipunan Imperial ay hindi nagdududa sa kakayahan ni Reyes na susundan ang yapak ni Eugene Torre na kauna-unahang Pinoy Grandmaster.

“He (Oshrie Jhames Reyes) has a talent and I’am no doubt Oshrie is going to be the next Eugene Torre,” sabi ni Imperial, bahagi ng coaching staff ng Philippine Team na nagkampeon sa 2015 INC International Unity Chess Games.