MULING sisikad ang 7th Manila Bay Clean-Up Run sa Hulyo 7 sa pagtataguyod ng Manila Broadcasting Company.
Bukas ang torneo para sa lahat na may kategoryang 3K, 5K, 10K at 21K division para sa men’s and women’s.
Nakalaan ang mga medalya at premyo sa top three finishers ng bawat dibisyon.
Sa mga nagnanais na makiisa, bukas na pagpapatala sa lobby ng Manila Broadcasting Company sa Sotto St., CCP Complex, Pasay City mula Lunes hanggang Linggo ganap na 9:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi.
Maaari ring magpatala sa Olympic Village branches ng Robinsons Forum, Festival Mall, at Farmers Plaza tuwing Martes hanggang Linggo ganap na 12:00 ng tanghali hanggang 6:00 ng gabi.
Ang huling araw ng pagpapatala ay sa Hunyo 30.
Ang naturang patakbo ay isang awareness and fund-raising program na nakatuon sa pagpapalaganap ng kalinisan sa ating kapaligiran, ilog, estero at karagatan.
Nagsimula ang programa noong 2009 kung saan sama-samang naglinis ang mga empleyado at volunteers ng MBC, establisiyemento sa kapaligiran ng Manila Bay, gayundin ang Land Bank.