OAKLAND, California (AP) — Isang panalo na lang at makukumpleto na ng Toronto Raptors ang pananakop sa Golden State Warriors.

Sinandigan ni Kawhi Leonard ang ratsada ng Raptors sa third period tungo sa dominanteng 105-92 panalo nitong Biyernes (Sabado sa Manila) para sa matikas na 3-1 bentahe sa NBA Finals.

OAKLAND, CALIFORNIA - JUNE 07: Kawhi Leonard #2 of the Toronto Raptors drives to the basket against Stephen Curry #30 and Klay Thompson #11 of the Golden State Warriors in the second half during Game Four of the 2019 NBA Finals at ORACLE Arena on June 07, 2019 in Oakland, California. NOTE TO USER: User expressly acknowledges and agrees that, by downloading and or using this photograph, User is consenting to the terms and conditions of the Getty Images License Agreement.   Ezra Shaw/Getty Images/AFP

Hataw si Leonard sa naiskor na 36 puntos, 17 sa third period, at 12 rebounds para mailapit ang Raptors sa katuparan na makamit ang kauna-unahang titulo ng prangkisa mula nang sumapi sa NBI may 24 na taon na ang nakalilipas.

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!

Ratsada si Klay Thompson, nagbalik aksiyon matapos magmintis sa Game 3 dulot ng strained sa kaliwang hamstring, sa naiskor na 28 puntos, tampok ang anim na three-pointer sa larong posibleng maging huli ng Waeeiors sa Oracle Arena sa nakalipas na 47 season. Nakatakdang lumipat ang Warriors sa bagong tayong Chase Center sa San Francisco sa susunod na season.

Nag-ambag si Stephen Curry ng 27 puntos sa mababang 9 for 22 at 2 of 9 sa 3-point range. Naitala niya ang postseason career-best 47 puntos sa 123-109 kabiguan sa Game Three.

Kumawala si Serge Ibaka sa depensa ng Warriors para makatipa ng 20 puntos.

Nakalaylay ang isang paa ng Warriors sa hukay ng kabiguan sa pagsagupa ng two-time defending champions sa Game 5 sa Lunes (Martes sa Manila) sa Scotiabank Arena sa Toronto.

Umaasa ang Golden State na posibleng makalaro na ang na-injured na si Kevin Durant para mapanatiling buhay ang kampanya at makapuwersa ng Game 7 sa Huwebes (Biyernes sa Manila).

Kumabig naman si Draymond Green ng 10 puntos, 12 assists, siyam na rebounds, dalawang blocks at isang steal.