HULI man daw ang magaling, nararapat pa rin.

NAGBIGAY ng kanilang mensahe sina (mula sa kaliwa) Engr. Tony Balinas at PECA president Dr. Jenny Mayor para sa ilalargang GM Balinas Memroial Chess Championship.

NAGBIGAY ng kanilang mensahe sina (mula sa kaliwa) Engr. Tony Balinas at PECA president Dr. Jenny Mayor para sa ilalargang GM Balinas Memroial Chess Championship.

Bilang pagkilala sa kabayanihan ni Grandmaster Rosendo Balinas, ikalawang Pinoy na naging GM noong 1976, ilalarga ang GM Rosendo Balinas Memorial Chess Championhsip sa Setyembre.

Kabilang ang 14 na top Pinoy players, sa pangunguna nina GMs Eugene Torre at Rogelio Antonio, Jr., ang inaasahang makikiisa sa torneo na naglalayong buhayin ang gunita ni Balinas, sumunod sa mga yapak ni Torre nang makamit ang GM title noong 1976 sa Odessa, Russia.

Biathlon Olympian, binuking panloloko niya sa jowa niya sa post-game interview

“This is something we all would like to do – a tournament in honor of my brother Rosendo (Balinas). He was not only a good family man, an outstanding lawyer and prosecutor, but also a great Filipino chess champion,” pahayag ni Engineer Tony Balinas, nakatatandang kapatid ni Rosendo, sa pagsita sa “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in the Philippine Sports (TOPS) nitong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros.

“Sa pamamagitan ng tournament na ito, na lalahukan ng mga magagaling nating GMs, IMs at iba pa, mapapanatii nating buhay ang alaala ng aking kapatid,” ayon kay Balinas, sinamahan ni Philippine Executives Chess Association (PECA) president Dr. Jenny Mayor sa lingguhang public service program na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association (CBA) at HG Guyabano Tea Leaf Drinks ni Mike Atayde.

Bukod kina Torre at Antonio, ang iba pang imbitadong players ay sina GMs John Paul Gomez, Darwin Laylo at Jayson Gonzales, kasama rin sina United States-based GMS Rogelio Barcenilla, JR. Mark Paragua at Julio Catalino Sadorra.

Ayon kay Engr. Balinas, ispesyal ang buwan ng September sa pamilya dahil ang ika-78 birth anniversary ni Rosendo ay sa Sept. 10, habang ang ika-21 taonng anibersaryo ng kanyang kamatayan ay sa Sept. 24.

Pangangasiwaan ang torneo niNational Chess Federation of the Philippines (NCFP) treasurer Atty. Cliburn Anthony Orbe .

Sinabi naman ni Mayor na nagdesisyon ang PECA napalitan ang 2019 National Executive Chess Championships bilang pagkilala kay Balinas sa Hunyo 22 sa Alphaland Place Makati,

“PECA recognizes the contributions of GM Balinas to the growth of Philippines. GM Torre, Balinas and even the late IM Cardoso blazed the way and opened the doors for Filipino chess players with their outstanding games,” sambit ni Mayor

Para sa karagdagang impormasyon hingil sa programa at torneo ng PECA, makipag-ugnayan kina Atty. Orbe (09188974410), Dr. Mayor (09351004755), Dr. Fred Paez (09212728172), Joselito Cada (09499981949), Director Martin Gaticales 09998851432, at NM Efren Bagamasbad (09157209148).