NAKASISIGURO na kaming maso-sold out ang tickets ng upcoming concert nina K Brosas at Angeline Quinto na may titulong Angeline K To! Concert namin ‘Toh, na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa July 12, produced ng Cornerstone Concerts at Star Events.

K, John, at Angeline copy

No dull moments kasi kapag pinanood sila as solo, eh ‘di lalo na kung magsasama sila sa entablado? Hindi na nila kailangan ng script dahil parehong mabilis ang utak nina K at Angeline sa pagbabatuhan ng jokes.

“Sequence guide lang ang need nila para alam nila ang pagkakasunud-sunod,” say ng taga-Cornerstone.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

At nakita nga ang chemistry nina K at Angge nang mag-guest ang huli sa nakaraang K Brosas 18K na ginanap sa KIA Theater noong Abril 28, 2018.

“Nagkaroon po ng chance na mag-guest ako sa concert kaya lang sabi ko kina Direk John (Prats), konti lang ‘yung oras noon, kasi kasama ko sina Ate Kyla sa prod (number),” kuwento ni Angeline.

“Siguro doon nag-start kung paano kami (maglokohan), kasi pag off-cam, parang si Ate Vice (Ganda). Alam mo ‘yung walanghiyaan talaga sa pakikipag-usap, pero at the same time, may matutunan ka naman kaya bakit hindi namin gawing show, since pareho naman kaming kumakanta at nakakatawa si Ate K. Ako naman kahit papaano, gusto ko ring makipagsabayan sa kanya.”

Ang hinahanap kasi ng mga tao ngayon na kapag nanood sila ng concert o pelikula, gusto nilang tumawa nang tumawa o ma-entertain sila.

“Pagdating po kasi sa pagkanta ang gusto ng mga Pinoy ay masaya lang,”sabi pa ni Angeline.

“Itong concert, noong malaman ko na makakasama ko ang isang Angeline Quinto, sinabi ko agad na kailangan makita ng tao kung paano ko siya kilala ngayon. ‘Yung lukaret, ‘yung jologs side, ‘yung maharot, nakakatawa,” sabi naman ni K.

“Kaya iyon ang mga highlights namin kasi iba naman din ang comedy sa akin. Makikipagsabayan ako sa kantahan. Tawanan lang, kasi halimaw na ‘to (Angeline), anong nangyari, ‘di ba, nagmukha akong tanga?

“Tanggap ko ‘yun at gusto kong makita ng tao na ‘si Angeline pala ganito.’ We will compliment each other walang diva-diva. Fun-fun show na may puso.”

Susme, sa presscon pa lang ay tawa na nang tawa ang mga dumalong blogger at online writers bilang pasampol sa gagawing Angeline K To! Concert Namin To!.

Maging ang direktor nilang si John Prats, na kasama rin sa blogcon, ay tawa lang nang tawa habang nakikinig kina K at Angeline.

“Actually, nu’ng binubuo namin ang show, bato sila nang bato ng ideas, ang dami-dami,” kuwento ni John.

“Ang gagawin ko lang ay kung paano i-execute, kasi nandoon na lahat. Sobrang taba ng mga utak nila. Grabe, habang nagmi-meeting nga kami wala kaming ginawa kundi tumawa, that’s a good vibe.

“‘Yung title ng show, galing kay Ms K, tapos ‘yung look ng poster kay Ejay, so from there visually, doon ko kinuha ang visual ng concert. Expect more colors for both of them.

“Nu’ng nakasama ko si Ms K sa 18K concert niya last year, doon ko nakita na hindi lang siya nakakatawa, she can sing ng malupit na kanta. When it comes to kantahan, ‘yun ang challenge ni Ms K, na makikipagsabayan siya kay Angeline.

“Hindi pa nakikita ng lahat kung sino at ano ba talaga si Angeline, kami alam naming nakakatawa siya na hindi pa alam ng lahat, Kaya in that aspect makikipagsabayan naman siya kay Ms K.”

At dahil parehong lukaret ang dalawang bida ng show, natanong sila na baka maging comedy bar ang peg ng concert? “Nu’ng nag-meeting kami, ako po kasi mahilig magsulat, kaya nga ako nagkaroon ng libro. Ang sakit sa brain cells! Kaya nu’ng sinabi pa lang sa akin na magsasama kami sa concert ni Angeline Quinto, ni Ate Cynthia (Roque) at sinabi ko na, ‘Angeline K ‘To’, aba’y ginawa ngang title na, ang bilis,” kuwento ni K.

“Tapos mayroon na akong line-up, kaya nu’ng nag-meeting kami ni Angeline nadagdagan na nang nadagdagan, nanganak na nang nanganak. Si bakla (Angeline), ang dami ring sinabi. Akala ko ‘yung ideya ko maganda na, mas lalo pang gumanda kasi nga sa tulong naming lahat kaya maniwala kayo, pantay na pantay. Umpisa pa lang (ng show) pasabog na,” paglalarawan ni K sa ginanap na production meeting nila.

Sa concert ni Vice Ganda ay ipinagbabawal ang mga bata, sa Angeline K To! Concert Namin To! kaya, puwedeng manood ang mga bagets?

“Ay, oo, puwedeng-puwede, maski mga fetus puwede o ‘yung mga nasa garapon. Naka-live ba ito? Naku, sila mag-adjust,” biro ni K.

K a y a b a n i An g e l i n e makipagsabayan kay K?

“Sobrang kumportable akong makatrabaho si Ate K. Gusto ko lang maging totoo kung paano kami ni Ate K, ‘yun din po ‘yung gusto kong makita nila para maipasa ko rin,” saad ni Angge.

Dagdag naman ni K: “First time ko pong mag-a-Araneta na kasama si Angeline. Puro lang ako guest dati, like sa TNT Boys, sobra thank you sa kanila, Divas Live na nanggulo lang naman ako. Jaya ito first time kaya talagang ‘yun ‘yun. Kaya ‘yung kaba ko, hanggang talampakan pero excited din ako.”

Nagbiro rin ang dalawa na dahil pareho silang may malaking hinaharap ay magpapatalbugan din sila.

‘ ’Yung s a akin (boobs ) , nauutus an s a t i cke t boot h (magbenta),” sabi ni K.

“Nakatoka na ‘yung kay Ate K sa ticket booth, ako sa pagkain,” hirit naman ni Angeline.

Wa l a n g p a t a l b u g a n g mangyayari sa dalawa, dahil gusto nilang pantay lahat pati sa outfit, magkaiba lang ang kulay.

“Sa script ko, sa sinulat ko, kung ano ‘yun kailangan, balikan din niya ako, pantay na pantay na bastusan,” tumawang sabi ni K.

Maraming special guests sina K at Angeline, at ang mga umoo na ay sina Erik Santos, Empoy Marquez, at Ogie Alcasid.

-Reggee Bonoan