Mga Laro sa Linggo

(Paco Arena)

1:00 n.h. -- VNS VC vs Easytrip

3:00 n.h. -- PLDT vs Cignal

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

5:00 n.h. -- Sta. Elena vs Navy

MAGAAN na dinispatsa ng Rebisco-Philippines ang Philippine Army , 25-12, 25-20, 25-8, sa pamumuno ni Marck Espejo nitong Huwebes ng hapon sa pagpapatuloy ng 2019 Spikers’ Turf Reinforced Conference sa Paco Arena sa Manila.

Nagtala si Espejo ng 13 puntos na sinundan ni Mark Gil Alfafara na umiskor ng 10 puntos upang pamunuan ang Rebisco sa pag-akyat sa 4-1 marka.

“Nag rotate lang talaga kami sa ilang tao eh!, kumbaga kasi ‘yung iba naglaro kanina, tapos may problema ‘yung ibang player kaya nag rotate lang kami sa i-ilang tao kaya siguro mas maganda ‘yung laro,” ani assistant coach Ariel Dela Cruz na pansamantalang gumabay sa koponan habang wala si head coach Dante Alinsunurin na kasalukuyang nasa Japan.

Dahil sa kabiguan, bumagsak naman ang Troopers sa ikalawa nilang kabiguan sa loob ng limang laban.

Wala ni isang nagtala ng double figure para sa Army na pinangunahan ni PJ Rojas na mayroon lamang 7 puntos.

Nauna rito, tinalo ng defending champion Philippine Air Force-Go for Gold ang Philippine Coast Guard, 25-15, 24-26, 25-18, 25-19,

Umiskor si Ranran Abdilla ng 24 puntos kasunod si Kim Malabunga na may 15 puntos para pamunuan ang pag-angat ng Air Force sa kartadang 4-1, panalo-talo.

“Apat na sets, medyo nag relax kasi kami nung third set kaya ganon ang nangyari, nawalan kami ng depensa sa likod, ‘di rin kami maka-block so nung fourth set doon kami nag adjust sa blockings, at least naka recover kami kaagad,” wika ni Air Force head coach Rhovyl Verayo..

Pinamunuan naman ni Esmail Kasim na nagtala ng 21 puntos ang Dolphins na nanatiling winless matapos ang limang laro.

Sa isa pang laban, nakatikim na rin ng panalo matapos ang unang apat na talo ang IEM Phoenix Volley Masters matapos itala ang come-from-behind win kontra Animo Green Spikers, 17-25, 22-25, 25-20, 25-18, 15-10.

-Marivic Awitan