PINANGUNAHAN nina Filipino Grandmasters (GMs) Eugene Torre, John Paul Gomez at Darwin Laylo kasama sina International Masters (IMs) Paulo Bersamina, Jan Emmanuel Garcia at Daniel Quizon ang kampanya ng bansa sa Asian Continental Chess Championships (Open and Women’s Championships) na tutulak mula Hunyo 7 hanggang 15 sa Hongshigou Quesheng Bieyuan Hostel sa Xingtai, China.
“It’s going to be exciting, that’s for sure,” sabi ni Torre na nagsabing ang mga manlalaro na nagmula sa India, Kazakhstan, Vietnam, Iran, Malaysia, Singapore at host China ay nagkumpirma ng kanilang partisipasyon.
Ang top five (5) finishers sa Open side ay makakakuha ng slots sa World Chess Cup 2019 sa Setyembre 9 hanggang Oktubre 2, 2019 na gaganapin sa Khanty-Mansyisk, Russia kung saan ang top two ay awtomatikong makakausad sa Candidates Tournament na magsisilbing huling qualifying tournament sa susunod na World Championship sa 2020.
Ang top woman naman ay didiretso sa Women’s World Cup na kagaya ng men’s World Cup.
May kabuuangUS$75,000 ang nakataya kung saan ay US$11,000 ang maibubuls ang magkakampeon sa men’s division habang US$7,000 ang maiuuwi ng mananalo sa women’s side.
“It will be very tough playing against the top Asian players,” ani pa Torre hinggil sa mga manlalaro na Chinese, Indian at Vietnamese woodpushers.
Ang iba pang Filipino entries ay sina Woman Grandmaster (WGM) Janelle Mae Frayna, Woman International Masters (WIMs) Kylene Joy Mordido, Bernadette Galas, Shania Mae Mendoza at Marie Antoinette San Diego.
Ang kampanya ng Filipino woodpushers ay suportado ng National Chess Federation of the Philippines sa magiting na pamumuno nina Chairman/President Surigao del Sur Rep.Prospero “Butch” Arreza Pichay Jr. at Secretary-General Cavite Rep. Abraham “Bambol” Ng Tolentino Jr., Philippine Sports Commission at ni Dasmarinas City mayor Elpidio “Pidi” Barzaga Jr.