ISASAGAWA ng Philippine Basketball Association (PBA) ang taunang blood donation drive sa Araneta Coliseum.

Nasa ika-apat na taon na ngaayon ang proyekto na bahagi ng kanilang Corporate Social Responsibility (CSR) venture na nasa ilalim ng Alagang PBA program.

Gaganapin sa pakikipagtulungan ng Philippine Red Cross at Araneta Coliseum, ang blood donation drive ay magsisimula ng 1:00 ng tanghali sa green gate ng Big Dome.

Ang mga maaaring maging donor ay kailangang may edad na 18 hanggang 60 taon.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang mga 61 taon hanggang 65 ay dapat na isa ng regular blood donor, habang ang mga 17 na taon hanggang 16 ay kailangang may pahintulot ng magulang.

Kailangan ding may timbang ang donor na 110 lbs. o 50 kgs. pataas at walang sintomas ng ubo, sipon, diarrhea, at sore throat.

Dapat ding may 3 buwan na pagitan pagkaraan ng huling blood donation at isang taon namang pagitan matapos magpabutas ng tainga o magpa tattoo ng magiging donor.

Ang iba pang mga requirements ay ang mga sumusunod: blood pressure na 90 at 160 (systolic), 60 at 100 (diastolic), pulse rate of between 50 and 100 beats per minute, at hemoglobin level na 125 g/L o pasado sa routine qualitative check para sa hemoglobin.

-Marivic Awitan