Mahigit 80 pamilya ang nasunugan sa Valenzuela City, nitong Huwebes ng gabi.

(Photo by: Juan Carlo de Vela)

(Photo by: Juan Carlo de Vela)

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagliyab ang mga bahay, pawang gawa sa light materials, sa Tampoy, Barangay Marulas sa nasabing lungsod, dakong 6:00 ng gabi.

Ayon sa isa sa mga residente, si Espiridion Donesa, umuwi siya matapos na tumaya sa lotto, ngunit nagliliyab na ang kanyang bahay.

"Wala na akong nagawa kundi pagmasdan na lang nagliliyab kong bahay," ani Donesa.

Sa inisyal na imbestigasyon, ilegal na koneksiyon ng kuryente ang sanhi ng sunog, at ito ang ikatlong beses na nasunog ang nasabing lugar simula noong 2013.

Inaalam pa ang halaga ng mga naabo habang walang inulat na nasaktan sunog, na naapula makalipas ang apat na oras.

Kaugnay nito, tinangay ng 'di pa nakikilalang kawatan ang isang laptop sa loob ng opisina ng City Welfare and Development Office (CWDO), na nakabase sa ground floor ng Valenzuela City Hall sa Bgy.

Malinta sa nasabing lungsod.

Malaki umano ang posibibilidad na sinamantala ng kawatan ang pagiging abala ng mga kawani dahil sa sunog.

Patuloy na tinutukoy ang nasa likod ng pagnanakaw.

 -Orly L. Barcala