Mga Laro Ngayon

(Paco Aren1:00 n.h. -- Animo vs IEM

3:00 n.h. -- Air Force vs Coast Guard

5:00 n.h. -- Rebisco vs Army

Alex Eala, inakyat ulit new-career high bilang rank 40 sa mundo!

PATULOY sa pamamayagpag sa 2019 Spikers’ Turf Reinforced Conference ang Cignal HD Spikers matapos magtala ng straight sets na panalo kontra IEM Volley Masters, 25-22, 25-15, 25-18, nitong Martes sa Paco Arena sa Manila.

Ang panalo ang ika-4 na sunod ng Cignal na nagluklok sa kanila sa liderato kasalo ng PLDT.

Umiskor si Wendel Miguel ng 12 puntos kasunod sina Marck Espejo at Jude Garcia na may tig- 10 puntos upang manguna sa nasabing panalo ng Cignal.

Wala namang umabot sa double digit mula sa Volley Masters na pinangunahan ni Joven Camaganakan na may 9 na puntos.

Sa isa pang laro, bumawi ang defending champions Philippine Air Force Jet Spikers sa nakaraang kabiguan nila sa Cignal noong Linggo matapos ungusan ang VNS Griffins, 25-22, 22-25, 25-21, 23-25, 18-16.

Nagposte si Ranran Abdilla ng 25 puntoupang pamunuan ang Jet Spikers sa pag-angat sa markang 3-1.

Umiskor si dating Ateneo Blue Eagle Tony Koyfman ng 28 puntos para Griffins na sumadsad sa ikatlong sunod na talo.

Nanaig din sa loob ng limang sets ang Animo Green Spikers kontra Easytrip-Raimol, 25-21, 27-25, 22-25, 20-25, 15-13.

Humataw si Cris Dumago 16 attacks, 2 aces, at isang upang pangunahan ang nasabing panalo ng Green Spikers na naglagay sa kanila sa 4-way tie sa second spot kasalo ng Army, Rebisco-RP at Air Force sa barahang 3-1.

-Marivic Awitan