Muling nagbabala ang pamunuan ng Department of Transportation (DoTr) sa publiko na iwasan ang "bomb jokes" sa mga istasyon ng mass railway systems sa bansa, gayundin sa mga paliparan, daungan, terminal at iba pang kahalintulad na pasilidad dahil ito ay labag sa batas.

BOMB JOKE_ONLINE

Nagpaalala ang DoTr matapos na arestuhin ang isang 23-anyos na babae dahil sa pagbibirong may bomba ang kanyang bag, sa istasyon ng Light Rail Transit-Line 1 (LRT-1) sa Pasay City nitong Miyerkules.

Sa ulat na ipinarating sa tanggapan ng DoTr, inaresto ng Pasay City Police si Maribeth Florentino, ng Sta. Quiteria, Caloocan City, sa Baclaran station ng LRT-1, bandang 8:15 ng umaga.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Una rito, pumasok si Florentino sa naturang istasyon ng tren at habang iniinspeksiyon ng security guard na si Erlinda Unabia, 51, ay nagbiro itong may bomba ang kanyang bag.

Wala namang nakitang bomba sa bag si Unabia, ngunit dinala si Florentino sa pulisya.

Kinasuhan si Florentino sa paglabag sa Presidential Decree 1727 (Malicious Dissemination of False Information Concerning Bomb).

-Mary Ann Santiago at Bella Gamotea