Tulad ng promise nina Mavy at Cassy Legaspi, ang kambal na anak ng mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villarroel, hindi nila pababayaan ang studies nila, kahit nag-aartista sila. Last year nang payagan ng mag-asawa ang kanilang kambal na pasukin na rin ang showbiz, na sabi nga ay mahirap ipagkait sa kanila dahil pareho silang artista, ay nangako raw ang kambal na hindi pababayaan ang studies nila.
Para hindi naman mahirapan sina Mavy at Cassy, hindi sila pinayagang bigyan ng teleserye, okay lamang ang once a week show, na light lamang ang tema. Kaya nga regular silang napapanood every Saturday sa Sarap Di Ba? at every Sunday sa Studio 7 Musikalye. Parehong taped ang show, kaya hindi mahirap sa kambal ang trabaho at masaya silang mag-perform.
Ngayon ay proud parents sina Zoren at Carmina dahil nakapagtapos na ng Senior High School ang kambal, and they graduated with flying colors. Si Cassy ay nakatanggap ng loyalty award habang si Mavy ay nakatanggap naman ng three medals for academic, sports and loyalty. Kumuha ng Accountancy, Business and Management ang kambal.
At mukhang bilang graduation gift, pupunta ang mag-anak sa South Korea for a short vacation dahil nga may show ang kambal. Parehong may primetime shows sina Carmina at Zoren. Napapanood gabi-gabi si Carmina sa Kara Mia pagkatapos ng 24 Oras, at si Zoren ay napapanood gabi-gabi sa epic serye na Sahaya pagkatapos ng Kara Mia.
-NORA V. CALDERON