TIPONG malaman at may warning ang naging acceptance speech ni Direk Joel Lamangan na nanalong Movie Director of the year sa katatapos lang na 35thPMPC Star Awards For Movies, na ginanap sa Resort World Performing Arts Theater Manila last Sunday, June 2.

Direk Joel copy

Narito ang nilalaman ng kanyang pasabog na acceptance speech sa nasabing event:

“Isandaang taon na po ang ating industriya. Dumaan ang napakaraming taon. Maganda ang mga nangyari pero nais ko ring sabihin na sa panahon ngayon, parang hindi naman ganoon kaganda na ang nangyayari. Talung-talo na po tayo ng mga banyagang palabas. Kokonti na po ang nanonood ng ating pelikula.

Tsika at Intriga

Lady driver na umararo sa resto ni Matteo, gas natapakan sa halip na brakes

“Tangkilin po natin ang ating pelikula. ‘Yan lamang po ang mayroon tayo. May pagkakataon na walang palabas na pelikulang Pilipino sa sinehan dahil puro banyaga. Puro ‘Avengers’, puro ‘John Wick’. Wala masyadong Pilipino. Manood ka sa Pilipino tatlo lang ang nanonood o apat.

“Kailangan po ng tulong ng ating industriya. Baka kinaumagahan gumising na lang tayo, wala na tayong pelikula. Wala na pong magsasalita. Wala na pong magsasabi ng ating istorya. Baka ang HBO na ang magsalita ng ating istorya, ng ating kasaysayan. Kawawa naman po tayo.

“Tangkilikin po natin ang ating pelikula. Malaki po ang maitutulong ng ating mga manunulat, ng PMPC, para sabihin sa ating mga manonood na panoorin ang pelikulang Pilipino. Baka mawalan na tayong lahat ng trabaho ‘pag walang nanood nito,” ang mahabang litanya ng direktor.

Niwey, mapapanood ang kabuuan ng pagtatanghal sa ABSCBN’s Sunday’s Best ang PMPC Star Awards For Movies 2019 sa June 16.

-MERCY LEJARDE