KAPWA naitala ng Caloocan at San Juan ang kombinsidong panalo sa knockouts match para maisaayos ang winner-take-all championship match sa Northern Division ng Community Basketball Association (CBA)Pilipinas Founders Cup nitong Linggo sa Aquinas gymnasium sa San Juan City.

HINDI nakalusot ang Bulacan sa matibay na depensa ng Caloocan sa knockout semifinal ng North Division ng Community Basketball Association (CBA)

HINDI nakalusot ang Bulacan sa matibay na depensa ng Caloocan sa knockout semifinal ng North Division ng Community Basketball Association (CBA)

Dinurog ng Caloocan ang Bulacan, 109-82, habang pinasadsad ng San Juan ang Valenzuela, 99-77, upang makamit ang North finals sa pamosong community-based league na inorganisa ni actor-director Carlo Maceda.

Naunang nag umusad para sa South Division championship ang General Trias at Parañaque. Ang magwawagi sa North at South finals ang maglalaban para sa unang korona ng CBA.

Sikat na fast-food chain, nagbabalak na ring makipaghampasan sa PVL?

Pinangangasiwaan ni coach Jino Manansala at ilang players ng St. Clare College, ratsada ang Saints, sa pangunguna nina Rojay Santos at Darwin Lunor, sa dominanateng 40 puntos sa third quarter tungo sa one-sided win.

Hataw si Santos sa naiskor na 15 puntos, habang kumana si Lunor, tinanghal na CBA “Player of the Month” na may 13 puntos.

Nanguna si JM Magbanua sa Bulacan na may 16 puntos at 12 rebounds.

Sinandigan ang San Juan nina Jhonard Clarito (17 points, 12 rebounds, dalawang assists, isang steal, at isang block), Joaquin Garcia (13 puntos, isanng rebound, isang assist, at isang steal) at Joseph Marquez ( 11 puntos, siyam na rebounds at dalawang assists).

Iskor:

(Unang Laro)

Caloocan (109) -- Santos 15, Lunor 13, Peñaredondo 12, Palencia 10, Fuentes 9, Hallare 8, Manacho 8, Rivera 6, Decano 6, Tiquia 6, Sombero 5, Fontanilla 5, Principe 4, Pagtaccunan 2, Pangan 0.

Bulacan (82) -- Magbanua 16, Salamat 14, Gadon 14, De Mesa 11, Dela Cruz 10, Pama 8, Mohammad 5, Necio 4.

Quarterscores: 29-23, 53-44, 93-65, 109-82

(Ikalawang Laro)

San Juan (99) -- Clarito 17, Garcia 13, Marquez 11, Aguirre 10, Saret 8, Reyes 7, Victoria 7, Acol 6, Buñag 5, Lugo 4, Ubalde 4, Astrero 4, Rosopa 3.

Valenzuela (77) -- Ch. De Chavez 14, Alcober 14, Ruaya 11, Ortega 7, Ca. De Chavez 6, Diego 5, Gimpayan 5, Martinez 4, Pastrana 4, Rivera 3, Bernardo 3, Kalaw 1, Lacamento 0, Viana 0, Dela Cruz 0.

Quarterscores: 34-16, 62-36, 79-59, 99-77.