Mariing pinabulaanan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga pahayag ni Peter Joemel Advincula, alyas Bikoy, na kaisa siya sa planong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang opisyal na pahayag, nanindigan si Villegas na bilang isang pari at tunay na alagad ng Diyos ay hindi kailanman siya makikibahagi sa ilegal at marahas na pamamaraan upang maisulong ang pagbabago sa lipunan.
Ipinaliwanag pa ni Villegas, dating Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na bahagi ng kanyang misyon bilang pari at Filipino ay magabayan ang moral na kalagayan ng mamamayan base sa Salita ng Diyos.
"I am a priest. My mission is to continue the love of Jesus Christ and to teach His Truth always. I believe in the power of electing officials; that is why I have tried my very best, as a priest and as a Filipino, to morally guide the people entrusted to my pastoral care. I cannot and will never lend a hand to use illegal or violent means for social change. Such will weaken our democratic foundations. This is contrary to my Christian conscience," bahagi ng pahayag ni Villegas.
-Mary Ann Santiago