‘TILA sakto ang titulo ng IWant digital series na Past, Present, Perfect para sa ilang cast na dumalo sa presscon ng serye, tulad nina Shaina Magdayao, Loisa Andalio, Vin Abrenica, at Direk Dwein Baltazar.

Loisa copy

Natanong si Loisa kung ano ang past niyang hindi niya maituturing na maganda at kung perfect ang present niya ngayon.

“Sa akin po, maraming matutunan talaga sa past kaya importante talaga ‘yung past kasi kung ano ka ngayon, ‘yun ay dahil sa mga pinagdaanan mo, sa mga lesson na natutunan,” kaswal na sabi ng dalaga.

Relasyon at Hiwalayan

'We needed space to grow:' Gaming personalities, Kyedae at TenZ, kumpirmadong hiwalay na!

Nagkatawanan naman ang lahat nang sambitin ni Loisa, “sa future tingnan natin kung si Ronnie (Alonte – sabay tawa), tingnan natin, pero sana. Kasi ‘di ba maganda ‘yung hindi mo na (muna) iniisip ‘yun. Nagi-gets n’yo po ba?”

Ano ang masamang past na nangyari kay Loisa?

“Nag-iisip nga po ako kasi wala namang nangyaring masama, siguro lahat ng past natin hindi perpekto dahil doon naging better ang present natin.”

Samantala, unang beses humarap ni Loisa sa media matapos ang kontrobersyang kanyang kinasangkutan nang kumalat na viral video niya kamakailan.

Sabi nga ni Loisa na natutunan niya sa nangyari, base sa panayam sa kanya sa Tonight with Boy Abunda, ay huwag basta magtitiwala.

Pero sa ginanap na presscon ng IWant Past, Present Perfect ay hindi nito napigilang mapaiyak sa tanong kung gaano siya napalakas ng mga pinagdaanan niya sa buhay.

May mga sundot pa sanang tanong pero hindi na binigyan pa ng pagkakataong sumagot si Loisa maski na gusto pa nito.

To the rescue naman si Shaina na kumuha ng tissue para ibigay kay Loisa at sabay sabing, “bawal ang retouch.”

Oo, para sa amin ay matapang si Loisa dahil nagawa niyang harapin at sagutin ang mga tanong ni Kuya Boy kamakailan at hindi man niya diretsahang inamin ang kumalat na video, inamin naman niyang ang natutunan niya ay huwag basta magtitiwala sa mga nasa paligid.

Abangan ang episode ni Loisa sa Past, Present, Perfect sa mga susunod na episodes sa IWant.

-Reggee Bonoan