INIHAYAG ng Forbes nitong Martes, na ang singer, makeup entrepreneur, lingerie designer, at ang unang black woman na may-ari ng top luxury fashion house — si Rihanna, ay may tumataginting na $600 million kaya siya ang may hawak ngayon ng titulo para sa pinakamayamang babaeng musician sa buong mundo.

Rihanna

Nakalikom ang 31 taong gulang – isinilang bilang si Robyn Rihanna Fenty sa Barbados — ng yamang mas malaki para sa nalikom ni Madonna ($570 million), Celine Dion ($450 million) at Beyonce ($400 million), na asawang si Jay-Z naman ang tinaguriang unang bilyonaryong rap star.

Mula nang makilala sa industriya noong 2003, ilang beses nang kinilala ang husay nya sa paggawa ng musika, hanggang sa maging negosyante – nakapaglunsad na siya ng sariling makeup brand, ang Fenty Beauty — na co-owned ng French luxury giant na LVMH — noong September 2017 at ng Sephora.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Ang malaking bahagdan ng yaman niya ay mula sa pagtu-tour at sa mga musical releases, ayon sa Forbes, ngunit malaking parte rin sa figure ang pagkakaroon niya ng Savage X Fenty lingerie line.

Noong May, inilunsad ni Rihanna ang groundbreaking partnership niya sa LVMH para mag-release ng luxury fashion brand na nakabase sa Paris, mga ready-to-wear clothes, shoes, at accessories.

“I just want to see things from my perspective. I’m a young black woman who loves and embraces all of the young people’s ideas and energies — I’m so about that,” sabi ni Rihanna sa AFP sa Paris kamakailan.

“It is about turning all of that into something luxurious for this fashion house.”

Bukod sa pagpasok niya sa negosyo ng luxury fashion, nag-hint si Rihanna na maglalabas siya ng bagong reggae album ngayong taon.

“I never thought I’d make this much money, so a number is not going to stop me from working,” lahad ng singer sa The New York Times’ T Magazine noong May.

“Money is happening along the way, but I’m working out of what I love to do, what I’m passionate about.”

-Agence-France Presse