CBA Founders Cup South Division title showdown
GENERAL Trias laban sa Bagong Parañaque sa South Division championship ng Community Basketball Association (CBA) Founders Cup.

Naisaayos ang pinananabikang duwelo ng dalawang liyamadong koponan nang magwagi sa kani-kanilang knockout matches nitong weekend sa General Trias Sports Complex sa Cavite.
Nadomina ng General Trias Braves ang Marikina Sapateros, 96-69, habang nanaig ang Parañaque sa Manila, 96-87, para maisaayos ang winner-take-all title showdown sa South division ng lumalakas na community-based league na inorganisa ni actor-director Carlo Maceda.
Nakatakda ang one-game title duel sa Sabado (Hunyo 8) ganap na alas 6:00 ng gabi sa General Trias Sports Complex.
Maagang nakuha ng Braves ang momentum at nahila ang bentahe sa 33 puntos tungo sa one sided win laban sa Sapateros.
Nanguna si hometown hero Haddi Porto sa naiskor na 16 puntos mula sa 8-of-11 shooting, habang apat na players ang kumana ng double figures para sa Braves, tinapos ang elimination at playoff series na may malinis na marka.
Nag-ambag sina Jonathan Tivera, Jhong Bondoc at Marlito Escobal ng tig-12 puntos, habang kumubra si Joe-cel Prudente ng 11 puntos para sa Braves.
Nanguna sina Pao Castro at Dhon Revirente sa nakubrang 25 at 23 puntos,ayon sa pagkakasunod para sa Paranaque.
Kumana naman sa Manila Sausage Kings si Argel Mendoza sa naiskor na 19 puntos, anim na rebounds, apat na assists, at dalawang steals.
Iskor:
Bagong Parañaque (96) - Castro 25, Revirente 23, Apreku 9, Saguigit 8, Almajeda 8, Lucente 8, Rabe 6, Aboludto 4, Begaso 3, Salaveria 2, Mangalino 0, Dela Cruz 0, Menguez 0, Prado 0
Manila Sausage Kings (87) - Mendoza 19, Orquina 18, Escosio 16, Yu 15, Marangan 7, Canelas 4, Acibar 3, Nitafan 3, Dela Cruz 2, Martinez 0, Tubera 0, Aspiras 0
Quarterscores: 23-16, 46-38, 72-56, 96-87
(Ikalawang Laro)
General Trias Braves (96) - Porto 16, Rivera 12, Bondoc 12, Escobal 12, Prudente 11, Delos Santos 9, Melencio 5, Laureno 5, Tajonera 4, Guillen 3, Alcaraz 3, Dejito 2
Marikina Sapateros (69) - Ng Sang 13, De Guzman 11, Tan 10, Peñaflorida 7, Santos 6, Amansec 6, Testado 6, Tarucan 5, Ramos 3, Limin 2, Campos 0, Girado 0, Diamante 0
Quarterscores: 23-15, 55-33, 81-50, 96-69.