SASAMBULAT ang Fide-rated 2nd Meralco Youth Rapid Chess tourney sa Hunyo 9 sa Multi-Purpose hall, Meralco compound, Ortigas Avenue, Pasig City.

Ito ang ipinahayag kamakailan ni Fide Master Leonardo Carlos ng Meralco Chess Club.

Ayon pa kay Carlos ang registration fee ay P300 para sa maagang nagpatala habang P400 sa on-site kung saan ang chessers ay may pagkakataon na makapaglaro laban sa mga pambato ng UAAP, NCAA, SCUAA, at iba pa pang unibersidad.

Ang mga kategorya na paglalabanan ay ang Under 20 division at Under 14 division sa one-day event na sanctioned ng National Chess Federation of the Philippines.

Biathlon Olympian, binuking panloloko niya sa jowa niya sa post-game interview

Nakataya ang cash prizes sa mga magwawagi kung saan ang magkakampeon sa Under 20 division ay tatangap ng P5,000 plus trophy. Maibubulsa naman ng second hanggang fifth placers ang tig P4,000 plus a trophy, P3,000 plus a trophy,P2,000 plus a medal at P1,000 plus a medal ayon sa pagkakasunod.

Sa Under 14 division ang magkakampeon ay tatangap ng P4,000 plus a trophy habang ang second at third placers ay tig P3,000 at P2,000 plus trophies. Ang 4th hanggang 5th placers ay tatangap ng tig P1,000 at P500 plus medals. Ang 6th hanggang 10th placers ay tig P300 plus medals.

Para sa dagdag na detalye, makipag-ugnayan kina Fide Master Leonardo Carlos ng Meralco Chess Club sa 0917-856-0947 at National Arbiter Alexander “Alex” Dinoy ng Chess Arbiter Union of the Philippines sa 0995-756-3177.