KUMPIYANSA si IBF 118 pounds champion Naoya Inoue na mapapatulog si Pinoy WBA bantamweight champion Nonito Donaire Jr. sa finals ng World Boxing Super Series upang matamo ang Muhammad Ali Trophy at Ring magazine title.

Walang pang lugar at petsa ng pinakaaabangang sagupaan pero handa si Donaire na sumagupa kahit sa Japan gawin ang laban.

“Nonito has a great career record and I respect him a lot. I look forward to fighting him, but I just don’t know how yet,” diin ni Inoue sa BoxingScene.com. “I’ll go to the drawing board again, work on it and come back to the tournament to beat Nonito.”

Tulad ng dati, maginoong tinanggap ni Donaire ang hamon ni Inoue matupad lamang ang pangarap na maging undisputed bantamweight champion.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

“It was destiny for us to meet each other at some point. He’s a fighter with great power, great intelligence and that makes me feel like I’m 21 again because it excites me,” ani Donaire.

May rekord si Donaire na 45 panalo, 5 talo na may 26 pagwawagi sa knockouts kumpara sa bagitong si Inoue na may kartadang perpektong 18 panalo, 16 sa pamamagitan ng knockouts.

-Gilbert Espeña