MABIGAT ang laban ni Filipino weightlifter Hidilyn Diaz sa 2020 Tokyo Olympics, ngunit pursigido siyang muling makapag-uwi ng medalya.

DIAZ: Focus sa 2020 Tokyo Olympics.

DIAZ: Focus sa 2020 Tokyo Olympics.

Sa kabila ng samu’t-saring isyu, kabilang ang pagkakadawit ng pangalan sa ‘matrix’ ng mga grupong nais pabagsakin ang Pangulong Duterte, nagpakatatag ang 2016 Rio De Janeiro Olympics silver medalist at itinuon lamang ang kaisipan sa pagsasanay.

“Iniisip ko na lang na isa siyang pagsubok sa buhay. Sa family and friends ko, don ko lang talaga nakita kung sino yung totoo. So ayun, isa siyang pagsubok sa buhay na kelangan ko harapin at alam ko naman na hindi siya totoo. So grateful lang talaga ako sa mga totoong tao na nag care at naniniwala,” pahayag ni Diaz sa kanyang pagbisita sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Inamin ni Diaz na masakit ang kaganapan, ngunit hindi umanos iya nagpaapekto sa mga negatibong pangyayari at itinuona ng pansin sa kanyang paghahanda para sa qualifying meet sa Tokyo Games.

“Na-apektuhan din ako. Parang nawalan ako direction sa weightlifting. Nung lumabas yun, for several days naghahanap ako reasons bakit ko ipaglalaban ko ‘to. Sinasabi ko sa sarili ko dapat ba or worth it ba? ayon sa pambato ng Zamboanga City sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, PAGCOR, NPC, Community Basketball Association, at HG Guyabano Tea Leaf Drink ni Mike Atayde.

“Yes meron naman pero mahirap lang. Yun lang masasabi ko mahirap manalo ng gold medal sa Olympics. Ngayon pa lang, hirap na hirap na ako. Mentally, trials and challenges .... marami,” pahayag ni Diaz.

Para makabawi, tulong-tulong ang kanyang HD Team na binubuo ng kanyang foreign coach, strength and conditioning coach at sports psychologist.

“Nagpa sports psychologist na ako and consultation na ako. Siguro more on worship and more on God talaga. Kelangan ko talagang humugot sa kanya. Training pa rin and surrounded by positive people,” aniya

-Brian Yalung