Mga Laro sa Huwebes
(Paco Arena, Manila)
2:00 n.h. -- Cignal-Ateneo vs Valencia City Bukidnon-SSCR
4:00 n.h. -- St. Clare College Virtual Reality vs CEU
KULANG sa players, ngunit hindi sa determinasyon.
Patuloy ang ‘cinderella run’ ng Centro Escolar University – naglalaro namay pitong players – sa 2019 PBA D-League matapos gapiin ang St. Clare College Virtual Reality, 76-75, sa Game One ng semifinal series nitong Lunes sa Paco Arena sa Manila.
Naisalpak ni Rich Guinitaran ang game-winning lay-up may 13.7 segundo ang nalalabi para sandigan ang Scorpions sa manipis na panalo at makalapit sa minimithing championship slot.
“You have to give it to the boys. Though were just playing with just seven guys, I told them when we step inside the court, it’s all about winning,” pahayag ni CEU coach Derrick Pumaren.
Nanguna si Guinitaran sa Scorpions na may 18 puntos, anim na rebounds, at dalawang assists, habang kumubra si Senegalese center Maodo Malick Diouf ng D-League record 33 rebounds bukod sa 19 puntos, walong blocks, apat na assists, at apat na steals.
Nag-ambag si Kurt Sunga ng 16 puntos at anim na rebounds, at tumipa si Franz Diaz ng 13 puntos, apat na assists, at dalawang rebounds.
Nalagasan ng players ang CEU matapos isailalim sa imbestigasyon ang walong players bunsod nang pagkakadawit sa ‘game-fixing’.
Nakuha ng St. Clare ang bentahe sa 75-74 matapos ang magkasunod na baskets ni Irven Palencia may 51.6 segundo ang nalalabi.
Kapwa sumablay ang opensa ang magkabilang panig bago nakabutas su Guinitaran sa lay up para winning margin. Sumablay ang prayer shot ni Junjie Hallare sa buzzer.
“The boys hung tough and even though we still kept our poise,” sambit ni Pumaren.
Nakatakda ang Game Two sa Huwebes sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
Umabante rin ang Cignal-Ateneo sa hiwalay na semifinal series kontra Valencia City Bukidnon-SSCR, 105-67.
Hataw si Ange Kouame sa Blue Eagles sa naiskor na 19 puntos, 20 rebounds at apat na blocks.
“Coach Tab (Baldwin) just reminded our players to follow our rules on defense,” pahayag ni assistant coach Sandy Arespacochaga.
“There were times that we were playing individual defense and not team defense. Coach Tab wanted us to put emphasis on our defense and our players took that to heart in the third.”
Iskor:
(Unang Laro)
CIGNAL-ATENEO 105 -- Kouame 19, Mi. Nieto 12, Mendoza 11, Ma. Nieto 10, Ravena 10, Belangel 9, Wong 9, Mamuyac 7, Navarro 6, Andrade 6, Credo 3, Daves 2, Go 1, Tio 0, Berjay 0.
VALENCIA-SSCR 67 -- Ilagan 24, Bulanadi 23, Capobres 8, Calma 8, Dela Cruz 2, Villapando 1, Tero 1, Sumoda 0, Bonleon 0, Desoyo 0, Are 0, Altamirano 0, Loristo 0, Calahat 0.
Quarters: 17-19, 34-35, 66-54, 105-67.
(Ikalawang Laro)
CEU (76) -- Diouf 19, Guinitaran 18, Sunga 16, Diaz 13, Santos 8, Abastillas 2, Bernabe 0.CLARE (75) -- Palencia 18, Fontanilla 14, Hallare 13, Rubio 10, Pare 8, Lunor 6, Fuentes 4, Ambuludto 2, Santos 0, Rivera 0.
Quarters: 15-9, 32-31, 54-48, 76-75.