Siyam sa bawat sampung tao sa buong mundo ang lumalanghap ng maruming hangin habang tinatayang pitong milyon ang namamatay kada taon dulot ng "fine particles" nito na napupunta sa baga at cardiovascular system ng katawan.

POLLUTION

Ito ang ginamit na datos ni Senator Loren Legarda, chairwoman ng Senate climate change committee, mula World Health Organization (WHO) para sa pagdiriwang ng World Environment Day ngayong taon.

Hinikayat ng Senadora ang publiko na mag-ambag sa pagpapabuti ng kalidad ng hangin na ating nilalanghap, sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga batas at pag-iwas sa mga nagdudulot ng air pollution sa mga tahanan, industriya, at trabaho.

National

Hontiveros, walang nakitang blangko sa 2025 budget

Itinuon ang pagdiriwang ng World Environment Day sa temang “Air Pollution” at ang kampanya na #BeatAirPollution.

“My message since the beginning has always been simple and clear: protecting our environment is protecting human health. We have the Philippine Clean Air Act, the Renewable Energy Act, and other environmental laws, which we must fully implement. These are not recommendatory policies. These are laws meant to save lives and improve the wellbeing of all Filipinos,” ani Legarda.

-Mario B. Casayuran