DALAWANG entries na may parehong 8 -1 kartada ang kampeon sa 2019 World Slasher Cup 2 Invitational 9 -Cock Derby kahapon ng madaling araw sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum.

ITINAAS nina Rey Canedo at Jun Verano ng RC WARRIORS SD ang tropeo matapos magbida sa World Slasher Cup 2 – tinaguriang ‘Olympic of Sabong’ Lunes ng madaling-araw sa Araneta Coliseum

ITINAAS nina Rey Canedo at Jun Verano ng RC WARRIORS SD ang tropeo matapos magbida sa World Slasher Cup 2 – tinaguriang ‘Olympic of Sabong’ Lunes ng madaling-araw sa Araneta Coliseum

May apat na panalo patungo sa grand finals, rumatsada ng apat pang sultada ang Thunderbird 1 nina Nene Araneta at Frank Berin (ngayo’y four -time WSC champion) upang sungkitin ang korona.

Kampeon din sina 2019 Pitmasters 220 K Big Event champion Rey Canedo at Jun Verano (RC Warriors JD) na mayroon ding walong panalo.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

Sa ika -49 sultada, pinataob ng RC Warriors JD ang RNK entry ng bagong saling si Reynaldo Villanueva na lumalaban din sa kampeonato.

Tumapos na runner -up si Villanueva (7 points) kasama si two -time WSC champ Honey Yu ng Pitogo, Quezon (Princess Bernice).

Ang ibang nagsipanalo: Caloy Datu/Lawrence Villanueva, Femie Medina/Rhona Bullecer/Marc Cruz, Rep. Marvin Rillo, Alpha Team aT Ricky Magtuto/JMW (6.5 points), Antonio dela Pena, Vince Maranan ng Rizal, Carlos Camacho ng Guam/ Jorge Goitia ng California, Sierra Brothers, Frank Berin/JLA at Jepoy/Boy de Roca, Mauro Prieto/Rey Briones, Escolin/Eslabon brothers at sabong idol Patrick Antonio.

Mga isponsors ang Thunderbird at Emperador habang media partners ang PitGames Media Inc., TV5’s “All New Tukaan”, ABS-CBN Action + Sports, “Sagupaan,” “Sabong Nation”, “Sabong Pilipinas”, “Bakbakan Na TV”, at The Sabong Chronicles.