MAKALIPAS ang mahigit apat na taon, muli nang bubuksan ang 209-year-old St. Anne Parish sa Piddig, Ilocos Norte.

Ibinahagi ni Fr. Carlito Ranjo, Jr., head ng restoration committee ng Diocese of Laoag, ang kanyang pagkasabik sa pamamagitan ng Facebook.

Inaasahang itu-turn over ang simbahan sa Hulyo 25.

Setyembre 2014, isinara ang simbahan dahil idineklara ng mga engineering experts mula sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na hindi ito ligtas na okupahan, dahil sa lumang mga gamit at rumupok na pundasyon.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

“The St. Anne Church restoration is done. Just waiting for the turn over date,” sabi ni Ranjo, na ginulat ang netizens sa bagong ayos ng Piddig church na matatagpuan sa ibabaw ng bundok.

Kinikilala bilang isa sa mga pinakalumang simbahan sa probinsiya, na bahagi ng makulay na kasaysayan ng Piddig Basi Revolt noong 1807, pinondohan ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang restoration at rehabilitation ng P50 milyon.

Para sa mga residente ng Piddig, ang muling pagbubukas ng simbahan ay “answered prayer”. Itinayo ng mga residente ang simbahan para sa Augustinian friars noong 1810.

Ang Piddig, na 21 kilometro mula sa capital city, ay dating “visita” o komunidad na may kapilya ng Dingras. Taong 1798, ang Piddig ay naging ganap na bayan.

PNA