Mga Laro sa Sabado

(Rizal Memorial Baseball Stadium)

8:00 n.u. -- UP vs RTU-Alum

11:00 n.u. -- Thunder vs UST

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!

2:00 n.h. -- NU vs RTU

NAGPATULOY sa kanilang pamamayagpag ang mga koponang Katayama Baseball Academy (KBA) Stars at Thunder All-Stars sa 2019 Philippine Baseball League Open Conference nitong Linggo sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Pinangunahan ni Carlos Munoz ang KBA sa kanilang 7-1 panalo kontra Ateneo Blue Eagles na nag-angat sa kanila sa kartadang 3-0 sa Group A ng torneo na inorganisa ng Philippine Amateur Baseball Association sa pagsuporta ng Philippine Sports Commission.

“I just told the boys to continue enjoying the game since for some of them like Carlos, they are still just getting back to the game after not playing for so long,” wika ni KBA head coach Keiji Katayama.

Ang DLSU Green Batter na si Muñoz na isa na ngayong full-time banker ay bumato sa loob ng 4 na innings kung saan naka struck out ito ng limang batters at nagbigay lamang ng isang run.Bukod dito, nagtala din siya ng dalawang hits at isang RBI.

Sa iba pang laban, pinadapa ng Thunders sa pamumuno ni National Team pitcher Vladi Eguia andñg Rizal Technological University-Alums, 8-1,upang umakyat sa liderato ng Group B.

Walong batters ang pinagretiro ni Eguia, ang pinakabatang manlalaro sa kanilang koponan sa loob ng apat na innings upang punan ang pagkawala ni shortstop/pitcher Aids Bernardo na syang tumatayong coach ng Philippine team na sumassbak sa Asia Pacific Under 16 tournament sa Vietnam.

Nalasap naman ng RTU-Alums ang kanilang ikalawang sunod na pagkatalo makaraang magwagi sa una nilang laro.

Samantala sa unang laban, rumatsads ang Adamson Soaring Falcons at umiskor ng 6 na runs sa fourth inning para matalo ang RTU Thunder, 8-5.

Dahil dito, nanatiling pumapangalawa ang Adamson ss Group A habang nanatiling walang panalo ang RTU (0-3).

-Marivic Awitan