NANG mag-rap si JAY-Z ng, “I’m not a businessman, I’m a business, man” sa 2005 track na Diamonds From Sierra Leone ni Kanye West, he really meant it.
Ayon sa bagong report na inilabas ng Forbes nitong Lunes, ang rapper turned mogul ang unang hip-hop artist na nakalikom ng bilyong dolyar dahil sa kanyang nakalululang investment sa negosyo ng alak, art, real estate at kumpanya gaya ng Uber, ayon sa ulat ng People.
Bago maging musician, si JAY-Z, 49, ay isang drug dealer sa pinagmulang bayan sa Brooklyn. Noong 1996, sinimulan niya ang sarili niyang label, ang Roc-A-Fella Records, para mag-release ng kanyang debut album, ang Reasonable Doubt. Mula noon ay nakatanggap na siya ng 14 na No. 1 albums, 22 Grammy wins at $500 million sa pretax earnings, ayon sa outlet.
Para makalkula ang net worth ni JAY-Z, ibihagi ng Forbes na una nilang sinuri ang stakes niya sa mga kumpanyang gaya ng Armand de Brignac champagne (which he owns 100% of). Idinagdag nila rito ang kanyang income at subtracted “a healthy amount to account for a superstar lifestyle.” Bukod dito, ipinasuri umano nila ang kalkulasyon sa iba pang eksperto para masigurong ang taya ay “fair and conservative.”
Mula nang ilunsad ni JAY-Z ang music video ng Show Me What You Got noong 2006, kumikita na umano sa kasalukuyan ang Armand de Brignac ng $310 million, ayon pa rin sa Forbes. Ang cognac D’Ussé ng rapper, na joint venture ng Bacardi, ay tinatayang may halagang $100 million.
Tinatayang mayroon din si JAY-Z na $220 million cash at investments, kabilang ang stake niya sa ride-share service na Uber, na nagkakahalaga ng $70 million.
Nagkakahalaga naman ang music-streaming service ni JAY-Z, ang Tidal — na inilunsad noong 2015, at may ilang celebrity investors kabilang ang asawa niyang si Beyoncé, sina Kanye West at Calvin Harris — ng $100 million.
Ang Roc Nation, na itinatag ni JAY-Z mahigit isang dekada na ang nakalipas ay joint venture ng Live Nation at kabilang sina Rihanna at J. Cole sa mga talent nito, ay tinatayang nagkakahalaga ng $75 million. Bukod dito, ang sariling music catalog ng rapper ay nasa $75 million.
Sa nakalipas na isang dekada ay nangongolekta rin si JAY-Z ng mga masterpiece ng mga tanyag na artist gaya ng “Mecca” ni Jean-Michel Basquiat, na binili niya noong 2013 sa halagang $4.5 million. Ayon sa Forbes, ang art collection ni JAY-Z, ay tinatayang nagkakahalaga na ng $70 million.
Kasama rin sa portfolio niya ang $50 million investment niya sa real estate. Makaraang isilang ang kambal na anak nilang sina Rumi at Sir noong June 2017, bumili sina JAY-Z at Beyoncé ng $26 million East Hampton mansion at ng $88 million Bel Air estate. Mayroon ding penthouse si JAY-Z sa Tribeca neighborhood sa New York City, na umano’y nabili niya sa halagang $6.85 million noong 2004.