TRIPLE ang selebrasyon ng komunidad ng mga Pilipino sa San Jacinto, California sa United States kamakalawa dahil bukod kina world rated Jhack Tepora at Marlon Tapales, nagwagi rin si undefeated Filipino featherweight John Leo Dato via 6-round unanimous decision sa beteranong si Mexican journeyman German Meraz sa Sobaba Casino.

Nagwagi si Dato sa mga iskor na 59-55, 60-50 at 59-55 sa mga huradong Amerikano para mapaganda ang kanyang rekord sa perpektong 11 panalo at 1 tabla na may 7 pagwawagi sa knockouts.

Para sa 25-anyos na tubong Bangar, La Union na si Dato, naipakita niya na may ibubuga siya sa bigtime boxing sa pagwawagi kay Meraz kaya nangako ang kanyang promoter na bibigyan siya ng pagkakataon sa isang world rated boxer sa susunod na pagsagupa niya.

Nagwagi si Tepora sa kumbinsidong 10-round unanimous decision laban sa Amerikanong si Jose Luis Gallegos para mapaganda ang kanyang rekord sa perpektong 23 panalo, 17 sa pamamagitan ng knockouts.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nanalo rin si Tapales via 3rd round knockout kay Mexican Roberto Castaneda kaya tiyak aangat sa IBF at WBO rankings sa super bantamweight division makaraang mapaganda ang kanyang kartada sa 33 panalo, 2 talo na may 16 pagwawagi sa knockouts.

-Gilbert Espeña