TULOY ang pagtulak ng 1st Hampton Gardens Tatlohan Chess Team Tournament 2000 limit rating sa Hunyo 23 sa Hampton Gardens, 100 C. Raymundo Avenue, Maybunga, Pasig City.
Inaasahan ng mga Metro Manila pawnpushers na mapapalaban ng husto sa mga out-of-town players na manggagaling pa sa Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Batangas, Laguna, Cavite, Bulacan, Pampanga, Bataan at Tarlac na nagbigay ng intensiyon na paglahok sa one-day event na inaasahan ang 60 teams na masisilayan.
Bawat koponan ay binubuo ng tatlong manlalaro na may average National Chess Federation of the Philippines (NCFP) rating na 2000. Puwede lumahok ang Master at Woman Titled Player sa nasabing team tournament.
Ayon kay tournament organizer Genghis Katipunan Imperial, ang one-day National Chess Federation of the Philippines sanctioned tournament ay seven round Swiss System format na ipapatupad ang 20 minutes match point system na may 5 seconds delay bawat manlalaro.
Maiuuwi ng magkakampeon ang P30,000, ibubulsa ng second placer ang P20,000, habang nakalaan sa third hanggang seventh ang tig P10,000, P6,000, P4,000, P3,000 at P2,000, ayon sa pagkakasunod.
Ang advance registration fee ay P3,000 habang ang On-Site registration ay P3,200. Ang deadline ng entries sa Hunyo 18.
Mag call o text kay Tournament Organizer Genghis Katipunan Imperial sa mobile number: 0926-251-420 para sa dagdag detalye