Viral ang isang independent candidate mula sa Punjab, India matapos mag-trending ang video nito habang umiiyak at ikinukuwento sa reporter na limang boto lang ang kanyang nakuha sa katatapos na Indian general elections, gayung may siyam na miyembro ng kanyang pamilya, ulat ng Oddity Central.

Bagamat landslide ang pagkapanalo ni Prime Minister Narendra Modi, na may 600 milyong boto, higit na nakaagaw ng atensiyon ng publiko si Neetu Shutteran Wala, hindi kilalang pulitiko na tumakbo bilang independent sa city of Jalandhar.

Sa panayam, hindi napigilan ni Shutteran Wala na maiyak nang malaman niyang kahit siyam sila sa pamilya ay limang boto lang ang natanggap niya. Ngunit hindi niya ito isinisisi sa kanyang pamilya kundi sa umano’y “election fraud.”

Ngunit sa final tally ng botohan, natuklasan din niya na ibinoto siya ng kanyang pamilya, dahil sa datos ng botohan, nakakuha siya ng 856 votes sa kabuuan.

Human-Interest

ALAMIN: ‘Required’ ba na magbigay ng 13th Month Pay ang mga kompanya tuwing Holiday Season?

Matapos naman kumalat ang video, naglabas ang pamilya ni Shutteran ng pagpapahayag ng suporta sa kanya.

“He has complete support from the family and everyone, including our uncles and the extended family, has voted for him,” pahayag ng kanyang kapatid.