Mga Laro Ngayon

(Paco Arena, Manila)

2 p.m. - CEU vs. St. Clare College Virtual Reality

4 p.m. - Valencia City Bukidnon-SSCR vs. Cignal-Ateneo

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

UNAHAN na makalapit sa inaasam na finals berth ang dalawang pares ng semifinalists na magtatapat ngayong hapon sa pagsisimula ng kani-kanilang best of 3 series sa 2019 PBA D League sa Paco Arena sa Manila.

Unang magtutuos sa pambungad na laro ang Centro Escolar University at ang St.Clare College-Virtual Reality ganap na 2:00 ng hapon kasunod ang Valencia City-San Sebastian College at Cignal-Ateneo ganap na 4:00 ng hapon.

Muling masusubok ang nalabing 7-man roster ng Scorpions na nakuhang makalusot sa Go for Gold College of St. Benilde sa kanilang do or die quarterfinals match sa pagsabak nila kontra Saints.

Pangungunahan muli ang nalabing manlalaro ng Scorpions matapos masuspinde ang pito na na umaming sangkot sa game fixing ni Senegalese center Malick Diouf na tatapatan naman ni Saints Malian big man Mohammed Pare.

“Mahirap dahil limitado yung rotation, pero laban lang,” pahayag ni CEU coach Derrick Pumaren.

Sa tampok na laban, malaking hamon din para sa pure homegrown squad ng Valencia City-San Sebastian kung paano gagapiin ang reigning UAAP champion Cignal-Ateneo na pinangungunahan ng Ivorian center na si Angelo Kouame at Collegiate Player of the Year na si Thirdy Ravena.

“Tough game, siyempre champion team yan. But we will give it our best shot, “ sambit ni Golden Harvest coach Egay Macaraya na aasahan sina RK Ilagan, Allyn Bulanadi at JP Calma upang mamuno sa koponan nila.

-Marivic Awitan