Umabot sa $1.345 million ang pinakamataas na bid para sa isang laptop na puno ng world's most infamous malware programs.

Sa pagbabahagi ng Oddity Central, ang “The Persistence of Chaos” ay isang kakaibang art project ng Chinese internet artist na si Guo O Dong, na nakipag-collab sa cybersecurity company na Deep Instinct. Binubuo ito ng isang 2008 Samsung laptop na tumatakbo sa Windows XP SP3 at infected ng anim sa pinakadelikadong malware na nalikha sa mundo—ang ILOVEYOU, MyDoom, SoBig, WannaCry, DarkTequila, at BlackEnergy. Sama-sama, nagdulot ang anim na online threats ng higit $95-billion pinsala sa buong mundo sa mga nakalipas na dekada. Ngunit hindi ito naging hadlang para kay Guo para pagsama-samahin ang anim sa isang auction at ibenta sa highest bidder.

“These pieces of software seem so abstract, almost fake with their funny, spooky names, but I think they emphasize that the web and IRL are not different spaces. Malware is one of the most tangible ways that the internet can jump out of your monitor and bite you,” pahayag ng avant-garde artist, na inilarawan ang kanyang art project na “a kind of bestiary, a catalog of historical threats”.

Sa kabila ng safety measures ni Guo O Dong upang matigil ang pagkalat online ng six viruses, kinakailangang lumagda ng “lucky” buyer sa kasunduan na nagsasabing “[they have ] no intention of disseminating any malware”.
Trending

KILALANIN: Si dating DPWH Usec. Catalina Cabral